Q - May kamag-anak po kaming may magandang rest/resort house. Ano po ang best way /style na makapagsabi para makagamit kami ng family ko for free?
A -
1. Kung ang intention ng nagpagawa ay mag-REST ---hindi ma-stress sa mga manghihiram ---WAG MANGHIRAM.
Makaka-stress ka lang.
Maraming stress kaakibat ng bawat use of a resort.
DO NOT REST AND RELAX AT THE EXPENSE OF OTHERS.
2. Kung for rent ang rest house, ang intention ng nagpagawa ay magpa-rent, hindi magpa-HIRAM, so wag manghiram.
Kung gusto mo, mag rent ka. Pero wag kang mag-offer kunwari mag rent pero ang tunay mong pakay ay maka-libre.
In this case, kung may pang rent ka, sa iba ka na lang mag rent para walang awkwardness. Ilalagay mo ang may-ari sa awkward situation na para pa syang bad kung tanggapan ka ng bayad.
Kung wala ka namang pang rent, manahimik ka sa bahay mo.
Punuin mo ng tubig ang batya, at magtabo kang maligo sa tabi.
*
In these situations, do not invite yourself na makigamit. Do not even ask. Kasi kung gustu kang invite, kusa kang aanyayahan.
And remember, one invitation kung nangyari man, is good for only one visit. Hindi como minsan kang na-invite ay ikaw na ang magsisiksiksik sa sarili mo sa mga susunod na pagkakataon.
*
MAGASTOS MAGPAGAWA AT MAG MAINTAIN NG REST /RESORT HOUSE. Kung hindi ka kasali sa gastusan, wag kang mag-covet na makisali sa pag gamit.
No comments:
Post a Comment