Monday, August 03, 2020

Covid test

Impormasyon Batay Sa Covid19

First, linawin muna natin ang terms

𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗-𝟭𝟵 - coronavirus disease 2019. Eto ang sakit.
𝗦𝗔𝗥𝗦-𝗖𝗼𝗩-𝟮 – severe acute respiratory syndrome coronavirus 2. Ito ang virus na may gawa ng COVID-19. Ang lumang tawag dito ay 𝟮𝟬𝟭𝟵-𝗻𝗖𝗢𝗩.

𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘺𝘢𝘯. 𝘈𝘯𝘨 𝘈𝘐𝘋𝘚 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵. 𝘈𝘯𝘨 𝘷𝘪𝘳𝘶𝘴 𝘯𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘏𝘐𝘝.

May dalawang tests na ginagamit  para malaman kung may COVID-19 ang isang tao.
1. Rapid diagnostic test (𝗥𝗗𝗧)
2. 𝗣𝗖𝗥 (polymerase chain reaction) or swab test

𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗔𝗣𝗜𝗗 𝗗𝗜𝗔𝗚𝗡𝗢𝗦𝗧𝗜𝗖 𝗧𝗘𝗦𝗧?

Kapag may pumasok na foreign body o antigens sa katawan, gumagawa ang katawan ng panalaban dito na tinatawag na 𝗮𝗻𝘁𝗶𝗯𝗼𝗱𝗶𝗲𝘀 or 𝗶𝗺𝗺𝘂𝗻𝗼𝗴𝗹𝗼𝗯𝘂𝗹𝗶𝗻𝘀 (Ig). May iba’t ibang antibodies para sa iba-ibang antigens. Sa RAPID TEST, sinusuri ang dugo kung may antibodies nang panlaban sa SARS-CoV-2. Hindi nito direktang nakikita kung may virus.

Dalawang antibodies ang tinitingnan sa RDT, 𝗜𝗺𝗺𝘂𝗻𝗼𝗴𝗹𝗼𝗯𝘂𝗹𝗶𝗻 𝗠 (𝗶𝗴𝗠) [green line sa graph] at 𝗜𝗺𝗺𝘂𝗻𝗼𝗴𝗹𝗼𝗯𝘂𝗹𝗶𝗻 𝗚 (𝗜𝗴𝗚) [red]. Ang IgM ang nauunang lumabas pero nawawala rin agad. Ang IgG naman ay huling dumating pero pangmatagalan.

Apat ang pwedeng resulta
1. IgM+ & IgG-
2. IgM- & IgG+
3. IgM+ & IgG+
4. IgM- & IgG-

𝗜𝗴𝗠 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗧𝗜𝗩𝗘, 𝗜𝗴𝗚 𝗡𝗘𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘

Kapag positive ka sa IgM, ibig sabihin ay 𝗶𝗻𝗳𝗲𝗰𝘁𝗲𝗱 𝗮𝘁 𝗶𝗻𝗳𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝘂𝘀 ka. May SARS-CoV-2 ka at pwede kang makahawa.

Ano ang dapat gawin?
1. Confirmatory test (PCR)
2. Isolate for 2 weeks
3. I-trace ang mga close contacts mo in the last 2 weeks dahil pwedeng nahawaan mo sila. Dapat ay ma-test din sila.
4. I-report sa LGU mo ang resulta ng test mo

Delikado ba ito?
Hindi naman. Konti lang sa mga nagpapa-postive sa IgM ang magkaka-symptoms. Sa mga may symptoms, konti lang ang kailangang magpa-ospital. At dun naman sa mga na-ospital,  karamihan ay nakaka-recover.

𝗜𝗴𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗧𝗜𝗩𝗘, 𝗜𝗴𝗠 𝗡𝗘𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘

Kapag positive ka sa IgG, ibig sabihin ay nagka-infection ka na, natapos na, may antibodies ka na laban sa SARS-CoV-2, at higit sa lahat, hindi  ka na nakakahawa. May immunity ka na pero dahil bago pa lang sa atin ang COVID-19, hindi pa natin alam kung hanggang kelan ang itatagal ng immunity mo.

Ano ang dapat gawin?
1. Magpasalamat ka na nalampasan mo na ang infection at buhay ka.
2. No need for confirmatory test dapat kasi base sa mga pinakahuling datos ng WHO, hindi ka na makakahawa kahit may ma-detect pang konting virus. Pagaling ka na totally. Pero dito sa “Pinas, kailangan pa rin.
3. I-trace ang mga close contacts in the last 3 weeks dahil pwedeng nahawaan mo sila. Dapat ay ma-test din sila.

𝗜𝗴𝗠 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗧𝗜𝗩𝗘, 𝗜𝗴𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗧𝗜𝗩𝗘

Eto yung may (igM) pero andyan na rin si (IgG). Pag positive ka sa IgM at IgG, ibig sabihin ay nagsisimula ka nang gumawa ng long-term antibodies pero hindi pa tapos ang infection at nakakahawa ka pa rin. Pag ganito ang resulta mo, ang rekomendasyon ay kagaya rin ng sa IgM+/IgG- sa taas.

𝗜𝗴𝗠 𝗡𝗘𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘, 𝗜𝗴𝗚 𝗡𝗘𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘

Dalawa ang pwedeng sitwasyon pag negative ka sa IgM at IgG. Una, wala kang virus. Pero hindi ibig sabihin ay hindi ka na magkakaroon. Padalawa, meron pero napakaaga pa at wala pang nagagawng antibodies ang katawan mo na made-detect ng RDT. In both cases, pareho lang ang gagawin. Yun pa ring mga pag-iingat kagaya ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, physical distancing, etc. Pwede mong ulitin ang test after 7-14 days.

𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗖𝗥?

Sa PCR, hinahanap natin ang genetic material (RNA, blue line sa graph) ng SARS-CoV-2. Kung sa RDT, antibodies lang ang hinahanap, sa PCR yung virus mismo. Ito yung swab test. Kumukuha tayo ng sample sa nasopharyngeal area (sa may lalamunan sa likod ng ilong). Positive or negative lang ang result dito.

Pag positive, same recommendation pag IgM+ except the confirmatory test.

𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗡𝗧 𝗥𝗘𝗠𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥
Ang resulta ng test nyo ay base lang sa status nyo nung tinest kayo. Hindi ibig sabihin na negative ka sa test eh negative ka na forever. Pwede ka pa rin mahawa at mag-postive kapag hindi ka nag-ingat. Ganun din sa nag-positive sa IgG (immune), hindi pa natin alam kung hanggang saan ang itatagal ng immunity nyo. Kailangan pa rin mag-ingat.

Sa ngayon ay hindi pa rin bumababa ang daily confirmed cases natin. Wear your mask when interacting with people or when in the same space with them, sanitize hands regularly, maintain physical distancing. Protect yourself to protect others.

As always, stay safe!
God bless. 🙏
#cto #repost


No comments: