Tuesday, August 11, 2020

Pro poor tayo.

 Senate Investigation on PhilHealth opened a can of worms!!!


Just a thought... 

May corruption po yata. 

Siguro, siguro lang, may sabwatan ng PhilHealth officials at mga ospital. 


Pero meron daw sabi ng witness sa hearing. May sabwatan din ng ospital at doktor (narinig ko sa radyo just a few minutes ako) May sabwatan ang doktor at pasyente. (Pero hindi para kumita ang pasyente. Explain ko later.)


Kalakaran...

Hospital claims reimbursement sa PhilHealth. 

PhilHealth released the claims ng ospital. (Sangayon kay Sen. Zubiri, nangyari daw noong 2016 sa isang Ophthalmogist claimed ng 73M at humingi ng 10% isang PhilHealth Official... 7.3M yun. Alam na this...)


Ubo lang sakit ng pasyente, kailangan i-confine daw sabi ng doktor para maobserbahan baka lumala, at sasabihin na huwag mag-alala may PhilHealth ka naman wala kang gagastusin... simpleng ubo pero ang nasa record Severe Pneumonia. Easy datung! Ganun din daw sa high blood na niresetahan lang pero pag ginawan ng record... stroke ang nakasulat. (Sabi ng isang radyo-tv broadcaster kanina)


Balik tayo sa inuubo, na-confine at wala naman malalakas at mamahalin na antibiotics na binigay sa pasyente pero baka, baka lang, sa hospital chart meron. Claim... (invisible meds/items)


May isang nagkwento sa akin, sumakit tyan inoperahan at tinanggal appendix. Appendectomy!!! Yung pala hyperacidity lang. Pasok sa PhilHealth. After operation masakit pa rin tyan. Kremil-S lang ininum naayos na. 


Tuwang tuwa ang nakakolektang ospital sa PhilHealth at masaya din ang doktor kasi may fixed fees. Natuwa din naman ang pasyente kasi wala siyang gastos. Pero di sya kumita. Natuwa pa ang loko kasi nakalibre. Hahaha 🤣


Pero ito po ang isang masaklap na nababalita lately, for the past 2-3 years lalo na itong past months delayed payment ang PhilHealth sa mga ospital at doktor. Kaya may mga ospital at doktor na hindi na agresibo mag ingganyo ng pasyente na ipasok lahat ng gastusin sa PhilHealth lalo na yung hindi naman kailangan ipagawa mga test o procedures sa pasyente. 


Maganda intention ng PhilHealth sa mga Pilipino, sabit lang sa nagpapatakbo nito. Hindi lahat sa PhilHealth masasama, at lalong walang kinalaman mga empleyado nito, yung matataas na opisyal lang siguro at hindi rin lahat.

No comments: