V-ECQ S5 E1. Virtual (Part 1): Medyo ECQ. Medyo GCQ.
Cavite COVID Update:
New cases 47
Total cases 1,824
Recovered 525
Deaths 57
Noong makalawa ay naghayag ang ating Pangulo na ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at NCR ay sasailalim sa MECQ.
Sa totoo lang: Ako ay litong-lito kung ano ang ibig sabihin nito.
Medyo ECQ na medyo GCQ 🤷🏻♂️
Kaya, pagkatapos ng isang pagpupulong kamakailan kasama ang mga Alkalde ay ito ang aming napagkasunduan:
1. Ang Quarantine Pass System o Q-Pass ay muling non-transferable at isa lamang sa bawat bahay ang puedeng gumamit nito.
2. Ang ‘Stay-at-Home’ order ay in effect. Sino man ang walang Q-pass at nasa lansangan ay huhulihin at bibigyan ng katumbas na multa.
3. Ang mga pabrika ay tuloy ang operasyon.
4. Ang Work ID na may katumbas na HR schedule, ay kailangan laging dala ng bawat empleado para sa mga checkpoints.
5. Ang lahat ng public transportation ay puedeng mag-operate kapag ito ay para sa serbisyo ng mga pabrika, manggagawa at essential workers.
Social distancing rules shall apply.
6. Ang Palengke Policy ay in effect ayon sa patakaran ng bawat bayan.
7. Ang curfew hours ay hindi nagbago: 8PM to 4AM.
8. Ang Golf courses ay sarado.
9. Ang malls ay balik sa Local Residents protocol. Maliban sa patakaran ng Tagaytay para sa karatig na bayan at maliban rin sa Trece Martires na kasama ang Indang at Amadeo.
10. Mall operations will be limited to essential banks, supermarkets and pharmacies. Department stores will be closed.
11. No dine-in policy in ALL restaurants.
12. Construction for public and private will be allowed at full capacity subject to monitoring and enforcement by DPWH (Public) and LGUs/DOLE (Private).
13. Barangay checkpoints shall be enforced.
14. Sarado muli ang mga tiangge, barber shops, salons at computer shops.
15. Wala munang “Lipat Bahay “ pansamantala habang MECQ.
16. UNOFFICIAL travel shall be strictly limited. All JOWA passes are cancelled.
17. Liquor ban will be the decision of each Mayor.
18. BAWAL ang mga lamay sa patay.
19. Bago magtanong ay tandaan: Bawal ang pilosopo, bawal ang “paano kung...’ at PLEASE READ AGAIN.
20. Inter-Province travel will be restricted to OFFICIAL BUSINESS purposes only.
I will explain more on my FB Live today, Aug 4 (Tues) at 4PM.
#Gov1VicUpdates
No comments:
Post a Comment