Wednesday, August 19, 2020

Payo ni Doc Willie Ong.

 Pag Gising sa Umaga, Gawin ang 6 Bagay

Payo ni Doc Willie Ong


Marami ang na-aksidente sa umaga. Lalo na sa bagong gising. Puwede mahilo at bumagsak dahil hindi pa ganoon ka-“gising” ang iyong katawan. Puwedeng manhid pa ang paa at wala kang balanse sa paglalakad.

Sundin itong mga payo para ligtas at malusog.


1. I-handa na ang gamit at damit para sa kinabukasan bago matulog. Para makatulog ng mahimbing.

2. Pag gising sa umaga, magpa-salamat sa Diyos. Dahil marami ang hindi na nagigising. Sabi nga, “Every gising is a blessing.”

3. Pag gising huwag tumayo agad at baka mahilo. Dahan-dahan lang. Umupo muna ng 1 minuto at mag-stretch ng leeg at balikat. Ang biglang pag-upo at paggalaw ng ulo ay puwede magdulot ng vertigo o pagkahilo. Mayroon din nag-collapse at nagdilim ang paningin sa biglang pagtayo, dahil nagkulang ng dugo sa ulo sa pagbaba ng blood pressure. Mag-ingat po.

4. Umupo sa inidoro habang umiihi, kahit sa mga lalaki. Baka antok ka pa at bigla kang bumagsak, mahilo o mag-collapse. May tinatawag na “micturition syncope” kung saan nag-collapse ang tao habang umiihi. Puwede ito mangyari.

5. Uminom ng 2 basong maligamgam na tubig bago mag-almusal. Para luminis at maihi ang dumi sa katawan. Turo ito ng Japanese water therapy.

6. Maging positibo na magiging maganda ang iyong araw. Mag-expect na may darating na biyaya sa iyo. God bless po.

No comments: