SAKIT SA TAG-ULAN (Part three)
Trangkaso, Ubo at Sipon
TRANGKASO
Ang Trangkaso ay isang pangkaraniwang sakit na nakakahawa sa pamamagitan ng pakikisalimuha sa ibang tao na may trangkaso, o sa paglanghap ng hangin na may Influenza virus. Ito’y isang impeksyon mula sa virus at pana-panahon ang pagdating; karaniwang “nauuso” ang trangkaso sa panahon ng tag-ulan.
Bagamat kusang nawawala ang trangkaso makalipas ang ilang araw, ito ay maaaring magdulot ng matinding pagkakasakit at sa malalang mga kaso o sa mga taong may mahinang resistensya, maaaring ikamatay.
UBO
Ang Ubo mismo ay hindi sakit, ito'y isang sintomas ng sakit. Kaya tayo napapa-ubo ay para mailabas ng katawan ang mga maduming particles na napupunta sa ating baga. Kabilang dito ang alikabok at iba pa, o kaya naman mga bacteria o mikrobyo. Minsan, mga bahagi rin ng pagkain ay maaring mapagawi papunta sa baga - kaya kapag nasamid ng pagkain na nauubo rin tayo.
SIPON
Ang Sipon ay karaniwang dahil sa mga iba't isang uri ng virus. May mga sipon ring dulot ng allergy. Minsan, parehong virus at allergy ang sanhi. Kaya kapag malamig o may pagbabago ng panahon ay sinisipon ang mga tao. Ito rin ang dahil kung bakit sa wikang Ingles ay "cold" ang tawag sa sipon.
Tuwang-tuwa ang mga bata sa paliligo at paglalaro sa ulan. Karaniwang tanong ng magulang – Nakakapagkasakit ba ang ulan sa sa mga bata?
Note:
Kapag naglalaro sa ulan, exposed ang mga bata sa dumi. Kung di malakas ang immune system, madaling makapasok ang mikrobyo sa katawan. Walang paggaling nakukuha sa agad-agad na gamutan. Kung madalas magka-trangkaso, sipon at ubo magpa-evaluate na agad para masuri ang immune system lalo na kung madali kayong kapitan ng sakit.
No comments:
Post a Comment