Lumaki ako sa aming brgy. 😍 Sa daan lang kmi naglalaro, Nung panahon na kung saan magkakakilala ang bawat isa. Ang bawat isa ay tumatawag ng Manong, Ate, Kaka,Mamang, Nanang sosyal kna kapag PAPA AT Mama🤣 nakiki-Lolo at Lola, kahit hindi naman magkakamag anak.Kapag dayo ka at bumili ka sa tindahan dun ka lang hanggang sa pagsapit ng hapon.
May TV na noon black and white pero bihira lng ang meron kaya sa kapitbahay nakikipanood sa
labas ng bintana, malas lng pag may kurtina di mo na masipat ang palabas. Nawawala pa minsan ang tsinelas. Kaya sa radyo kami madalas tumutok...May mga sinusubaybayan pa na dula...🤣Sa gabi nmn gabi ng lagim kaya kung nangangapitbahay k Lang siguraduhin mo n nakalagay n sa siko ang tsinelas mo, may alambre man yan o tumbtucks mahalaga maiuwi mo😅
Hindi kami kumakain sa fastfood🍟🍔 (wala kc samin nun) madalas ay lutong bahay ang aming pagkain. Nagluluto kami ng bananaQ, kamoteQ, inihaw na saging, turon, pilipit, maruya, ☺ Maadalas kaming maglaro ng TEKS (hindi gaya ng 'TEXT' ng henerasyon ngayon), sipa, lastiko, holen,Tumbang preso,( pag Spartan tsinelas medyo lamang ka sa mga kalaro mo ), luksong baka, taguan (ung hinahanap mong isa eh umuwi na pala ng bahay ng hindi mo alam, hanap ka pa din ng hanap 🤣🤣🤣) . Maglalaro ng nka yapak, ( lagi kasi nalalagot tsinelas ) Patintero, luksong baka, luksong tinik, Chinese Garter (panglalaki or pambabae man yang laro n yan kere lang) , may bending body pa, bahay-bahayan (agawan pa kung sino ang gaganap na tatay at nanay 🤣🤣🤣), jackstone, sungka, palmo (ung pagugulungin mo ung coin o barya itsa mo sa pader, palayuan din need mo tamaan ung coin ng kalaban mo ☺) tanching ng ibat ibang tatak ng tansan ng de boteng softdrinks o beer o toyo , langit lupa, syato, turumpo, pana gamit lastiko at barbQ stick (papanain ung yakult ☺) gulong ng bike ang wheels nmin nun (hampasin mo lng ng palad mo para gumulong ksama ang tropa pa na my wheels din 🤣🤣🤣) at marami pang iba. Gumagawa din kami ng mga laruan na truck na gawa sa basyo ng pulbo at alcohol na ang gulong ay binilog na sirang tsinelas na. saranggola na ang sinulid ay may bubog upang ipanlaban sa iba. Telepono na gawa sa 2 lata na binutas ang magkabilang dulo at may tali na syang nagsisilbing linya. At gumagawa din kami ng dahon niyog ginagawa naming relo, sasakyan, singsing, kwintas at marami pang iba. Maliligo sa ulan..wala noong bottled water o mineral water diretso sa pumpwell ang iniinom na tubig. . Wala noong kids tv channels 📺Gumagawa kami ng bula mula sa sabong panlaba o kaya ay sa shampoo na nilagyan pa ng dinikdik na bulaklak ng Gumamela upang Mas maging mabula at madulas.
Wala noong mobile phone o kahit na anong electronic devices/gadgets 📱💻📵(hindi katulad ngayon)
Kung may away noon, asaran muna, uudyukan ang magkaaway na hipuin mo nga sa tenga, ilong 🤣🤣🤣 hanggang sa mag suntukan o magsabunutan ang dalawa at bati bati agad, walang sumbungan sa tatay, di tulad ngayon (sumbong kay kuya o tatay, gang sa magulang na mag aaway, aabot pa ng barangay 🤣🤣🤣) Hindi kami takot sa away...minsan abot p kay tulfo dumami p tuloy ang nkisalo
Ang mga ilaw sa poste💡 ang aming CURFEW o kaya ay ang SUTSOT lng ng Nanay at PASWIT ni Tatay ay sapat na pero pag sumigaw na ng aming buong pangalan ng aming mga magulang siguradong galit na un at ang hudyat na na dapat ka na talgang umuwi😂(kasi bakit di ka uuwi eh may hawak na sinturon o latigo magulang mo kaya takbo pauwi ng bahay 🤣🤣🤣) . O ang mga babae ay hihinihingutuhan ng nanay.
Ang pag aaral ay nararapat gawin muna ngunit nakakaligtaan pa din ang ilang lessons, dpat tapos lahat ng assignments bago uli lumabas ng bahay. ✏️📒.
Nag iingat kami sa lalabas sa aming bibig pag nasa paligid ang matatanda 👴🏼👵🏼 dahil alam naming matatapik kami o mapapalo ng sinturon, sapatos o tsinelas. PO at OPO ay di dpat mawala sa aming mga bata 👍☺️.
Kapag tiningnan ka dapat alam mo na(makuha ka sa tingin 😂)* at di ka dapat sumabad sa usap ng mataranda.
Tuwing tanghali kelangan matulog dahil kung hindi palo aabutin😂(Minsan pag ayaw kong matulog, pipikit nlng ako at magbibilang ng 1-1000 sa isip ko hanggang lumipas ang oras)
Tuwing wala kuryente at kabilugan ng buwan tuwang tuwa ,nasa lbas kmi at nagpaPatintero o kaya taguan.😊Never kaming nagkasakit noon dahil matibay ang aming pangangatawan kahit di uminom ng vitamins. Pero ngayon konteng ubo lang ipapaospital ka na agad.
ITO ANG ANG AMING HENERASYON AT IPINAGMAMALAKI KO!❤️💯
Nakakalungkot na hindi na mararanasan ng ating mga anak magiging apo ang ating mga naranasan na humubog sa ating kabataan.
Re-post kung kayo ay galing sa ganitong klase ng komunidad at inyo itong ipinagmamalaki. 👉😁 at Hindi kayo nakakalimot 👭👬👫 sa inyong pinagmulan.
Ctto:Copy and Paste from original post.
🥰🤗👍👍👍❤❤❤👌
#NAKAKAMISSTALAGA
No comments:
Post a Comment