Wala daw klaro ang allegations ni Madriaga. A lot of inconsistencies daw. Kesyo wala naman palang aktwal na abutan. Kesyo red yung ink ng bank check. Kesyo hindi daw siya kilala ni Sara.
So kung ganoon pala kahina ang alegasyon. Kung puro butas. Kung madaling i-debunk. Bakit hindi diretsahang sagutin? Bakit hirap na hirap ipaliwanag ng kampo ni Sara Duterte kung sino si “Mary Grace Piattos”? Ilang beses na tinanong pero walang malinaw na sagot. Even during the budget hearing she failed to give a direct explanation. In some instances she did not even show up when formally invited.
Andaming pagkakataon para linisin ang pangalan.
Pero ang pinili ay iwas, delay, o diversion.
Kung wala kang kasalanan, hindi ka dapat umiwas.
Kung wala kang tinatago, hindi ka matatakot sa tanong.
So bakit hindi humarap?
Option A: Walang maibigay na coherent explanation. Baka I took-I took or Shimeneyt na naman
Option B: Takot magkamali kasi bawat sagot pwedeng maging ebidensya laban sa kanya
Option C: Alam mong kapag nagsalita siya, mas maraming inconsistencies ang lalabas.
Hindi ito complicated. It is basic accountability.
Kung gusto, maraming paraan. Kung takot, maraming dahilan.
History already gave us benchmarks.
Si Antonio Trillanes IV paulit-ulit na tinarget noong panahon ni Rodrigo Duterte. He was jailed over an amnesty issue involving documents that conveniently “disappeared.” Pero humarap siya. Hindi siya nagtago sa technicalities.
Si Leila de Lima ikinulong base sa testimonya ng convicted drug lords. CONVICTED. Still she faced trial. She did not flee. Hindi siya nag-asylum kahit may option like what Harry Roque did. She stood her ground. Hinarap lahat at tiniis ang pagka-kulong.
Si Leni Robredo binato ng kaliwa’t kanang akusasyon pero she showed up in hearings, answered questions, submitted documents. Walang tago.
Si Benigno Aquino III sinubukan ding idiin sa Dengvaxia at SAF44. He faced Senate hearings, answered questions under oath, and subjected himself to scrutiny.
Iyan ang standard ng public accountability.
Hindi ito tungkol sa pagiging perfect. Hindi ito tungkol sa walang mali. It is about facing the process when questions arise.
Pero dito pumapasok ang problema.
Ang taas ng standards kapag kalaban. Pero kapag sariling kampo pwede na kahit iwas, kahit walang sagot, kahit puro palusot. That is not governance. That is fanaticism.
See the inconsistency??
Kapag iba demand transparency??
Kapag Duterte accept silence at obey nalang??
That double standard is exactly why we cannot move forward as a political society.
I have criticized Marcos for years. I have supported some of his policies when they made sense. I voted for Duterte in 2016 but I changed my position when I saw actions I fundamentally disagreed with, including selective justice and policies that harmed Filipinos while appearing lenient on foreign-linked interests.
Hindi ito Team Kakampink.
Hindi ito Team Loyalist.
Hindi ito Team Duterte.
This is about principles.
Ako I can sit across all spectrums as long as tama ang ginagawa. If tomorrow Sara Duterte shows up in impeachment proceedings, presents evidence, answers questions directly, argues like a competent lawyer, and clearly commits to defending Philippine sovereignty in the West Philippine Sea while supporting real accountability mechanisms, then fine.
I WILL BECOME A DDS! NO JOKE!
Kasi hindi tayo sumusuporta sa apelyido.
Hindi tayo sumusuporta sa personality.
We support GOOD governance.
We support accountability.
We support truth.
Kung tama purihin at suportahan.
Kung mali batikusin at panagutin.
Ganito dapat ang mindset.
Hindi yung parang kulto na kahit mali ipaglalaban pa rin. Hindi yung sarado ang isip dahil lang sa loyalty sa pangalan.
Political maturity begins when we stop asking, “Sino ang kakampi ko?”
At magsimula tayong magtanong, “Ano ang tama?”
Sana Pilipinas umabot na tayo sa puntong iyon.
No comments:
Post a Comment