Usapang Bank Secrecy Law
Pagtyagaan lang, mahaba ang kwento ko.
Sa isang audit namin, aming nadiskubre, mga “buwaya moves” medyo ginawang disente.
Nagbukas ng private account yung comptroller sa bangko kung saan nagbabangko yung agency kung san sya nagtratrabaho.
Debit at credit memo lang ang ginagamit. Nailipat ang malaking pondo sa kanyang private account.
Kung poor ang internal control at may connivance, ang daling ilipat ng pera.
Buwaya moves like:
Naka diretso ang submission ng banko, ng bank statement at mga docs sa comptroller.
Hindi nakasama yung bank account sa inventory ng existing bank accounts ng agency
Ayaw bigyan ng bank statement ang mga auditor
Syempre, bank secrecy ang depensa kaya itong mga govt auditors hindi makagawa ng bank reconciliation.
Minsan ay naitanong ko, paano po kaya kung government accounts with government banks, hindi po ba yung publiko ang may pag-aari ng pera and to their interest na ma access ng govt auditors ang bank records?
Marami na pong pagbabago at maaaring hindi na ganito kadali pero parami na rin ng parami ang mga ayaw magbigay ng access sa mga auditors.
Sino po kaya ang malinaw na pinoprotektahan ng bank secrecy sa mga ganitong pag-kakataon…
Hindi po ako abogado at maaaring limitado ang kaalaman ko, pero kung tunay kang kalaban ng katiwalian, kailangan, malinaw ang iyong paninindigan !
Naniniwala po akong kailangang i respeto ang ating mga financial institutions kasama na ang mga banko at kanilang polisiya.
Sana lang kung gaano sila kahigpit sa mga maliliit na nagbubukas ng bank account para sa maliit nilang mga ipon, sana mas higit sa mga nagbubukas ng government accounts.
No comments:
Post a Comment