Unang una, hindi lahat ng taga-UP ay komunista. Tengene nyo.
Pangalawa, sa UP lang ako nakakita na pwedeng magharap-harap ang iba't ibang klase ng tao, iba't ibang prinsipyo, iba't ibang pananampalataya. UP trained ME to accept these differences as being part of life. Hindi lang ako na-train ng UP to accept mga bobo at tanga, sa totoo lang.
Pangatlo, hindi lahat ng mga taga-UP ay walang Diyos. Susmaryosep. Hahaha
When I was in UP from 1988 - 1993, nonchalant ako. Mas gusto ko pang matulog. Meron akong mga naging propesor na terror. Meron ding walang pake. Busy sa mga masters, doctorate, law, research, etc nila. Laging walang pasok. Nagkikita lang kami pag exams.
Merong mga propesor na dinadala sa loob ng classroom ang usaping panlipunan. Captured audience na kasi ang mga estudyante. Nakikinig lang ako. Pagtapos ng klase, lalabas ng classroom. On to the next class.
Maraming UP grads ang nag-excel at nakilala sa buong mundo dahil sa kanilang research, thesis, and theories.
Now, dun sa mga napatay, magkaiba man ang aming prinsipyo at paniniwala, nirerespeto ko sila. Hindi sila dapat pinatay.
Kung naniniwala kayong naimpluwensyahan lamang sila, bakit nyo pinatay? It just doesn't make sense.
Kung naniniwala kayong alam nila ang kanilang ginagawa, let them be. Nakaka-putangina yan mga komentong nababasa ko.
Mataas ang risks ng mga community workers. Marami akong mga kaibigan who are community workers. Ung iba, galing sa extreme left pero piniling mag-mainstream at gawin na lamang ang makakaya para makatulong sa communities.
Ung iba are socialists. Ung iba, talagang gusto lang tumulong.
I am not aware kung meron dito sa FB ko na aktibo pa rin sa extreme left activities sa communities. I do respect what you stand for and what you do. Mag-ingat lamang kayo.
Napakaraming klase ng tao. Napakakitid lamang ng pagsipat kung we are all lumped together as Komunista. Tengene. Ni hindi ko binasa si Karl Marx. Unang page pa lang, ayoko na ituloy magbasa. Magkaganun man, the best conversations I had were with people who've read books I never read... mga lumubog sa communities para tumulong sa komunidad.
Nagkakamali kayo sa mga pinagpupuputak nyong katarantaduhan, sa totoo lang.
No comments:
Post a Comment