Dahil para po sa kaalaman ninyo, ito po ang mga ipinapasaload saatin mga parukyano ng serbisyong ito: 🤔
1. Lifeline Subsidy - tayo po ang nagbabayad sa mga programang libreng pakuryente ng gobyerno na nakapaloob sa mga 4Ps na programa po nito. 🤔
2. Senior Citizen Subsidy - tayo po ang nagbabayad ng lahat ng discount na ibinibigay sa ating mga senior citizens para po sa konsumong kuryente nito. 🤔
3. Feed in Tariff Allowance - tayo po ang nagbabayad sa lahat ng ginagawa ng gobyerno para maipromote po ang renewable energy sa bansang ito. 🤔
4. Green Energy Auction Allowance - tayo po ang pumopondo sa lahat ng mga bagong renewable energy projects na ipinapa-bidding po ng gobyerno. 🤔
5. Generation Charge - tayo po ang nagbabayad ng halaga ng kuryente na binibili po ng gobyerno sa independent power producers sa bansang ito. 🤔
6. Transmission Charge - tayo rin po ang nagbabayad upang madala po ang nabibiling kuryenteng ito papunta sa linya ng Meralco. 🤔
7. Systems Loss Charge - tayo parin po ang nagbabayad ng anumang losses o nawawalang kuryente dahil po sa pagtatransmit na ito. 🤔
8. Universal Charge - tayo rin po ang nagbabayad upang mabigyan ng kuryente ang malalayong lugar sa bansang ito. 🤔
9. Taxes - at siyempre po, hindi po mawawala ang 12% VAT, na ipinapatong po ng tatlong beses sa transaksyong ito, sa generation, sa transmission, at sa distribution po ng Meralco. 🤔
Kaya huwag na po kayong magtaka, kung napakataas po ng kuryente sa bansang ito, kumpara sa mga karatig bansa po natin sa mundo. 🤔
Dahil lahat nalang po na puwedeng ipasa, ay ipinasa na po sa taumbayan ng gobyerno. 🤔
Kaya sa susunod na may makikita po kayong pulitiko; 🤔
Na ipinagmamalaki po nito sa entablado na nagbibigay po ng libreng pakuryente ito; 🤔
O nabigyan po niya ng pakuryente ang mga malalayong lugar sa bansang ito; 🤔
O nabigyan po niya ng renewable energy projects ang nasasakupan po nito; 🤔
Alam niyo na po kung sino talaga ang tunay na nagbabayad sa mga ipinagmamayabang nito. 🤔
Napapanahon na po talaga na pag aralang muli, kung makatarungan pa ba ang diskarteng ganito ng gobyerno. 🫡
#attyg
#attygbehindthenews
#meralco
#passthroughcharges
#photocredittotheowner
No comments:
Post a Comment