Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagdasal na mabura sa isip ko ang lahat ng nangyari, o tanggapin na lang na may mga lihim talagang kailangang dalhin habang buhay.
Itago nyo ako sa pangalang hazel at 45 years old na ako ngayon ang kwento ay nangyari noong 21 years old pa lang ako.
Si Ate Grace ang panganay kong kapatid matanda siya sa akin ng labing limang taon mabait, maalaga at malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Siya ang nag alaga at nagpa aral sa akin buhat ng maghiwalay at magkaron ng kanya kanyang pamilya ang aming mga magulang.
25 years old na siya nag asawa pero sa kanya pa din ako nakatira.
Mabait ,masipag at gwapo din naman ang asawa ni ate na si kuya Jonas.
Mabilis na lumipas amg walong taon tapos na ako ng kolihiyo at nagsisimula ng magtrabaho.
Unti unti natutupad ko na ang aking mga pangarap pero hindi si ate dahil lagi siyang
bigo sa pangarap niyang anak
Isang gabi, umuwi ako sa bahay nila. Nakita ko si Ate, umiiyak habang si kuya Jonas tahimik lang sa sofa, hawak ang baso ng alak.
Bakit ako? Bakit hindi ako maaring mabuntis?
Masama ba akong tao Jonas?
Grace, huwag mo nang sisisihin sarili mo. Baka hindi lang talaga para sa atin ang magkaroon nang anak maari naman tayong mag ampon..
Pero ang gusto ko anak natin anak mo jonas..
Awang awa ako kay ate baog pala ito.
Pagkatapos ng gabing yon kinabukasan
lumapit sa akin si Ate.
Hazel,may hihilingin ako, pero sana maintindihan mo.”
“Ano ’yon, Ate?”Gusto kong magkaanak kami
ni Jonas Kung okay lang ikaw ang gusto kong
maging ina
Nababaliw ka na ba ate?Bakit ako pa hindi pa nga ako nagkakaroon ng nobyo..
Ikaw lang ang pwede kong pagtiwalaan hazel please....
Mahal ko ang Ate ko, at nakita ko kung gaano siya nasasaktan.
Kaya kahit natatakot ako, pumayag ako.
Ibinigay ko ang aking sarili na matagal kong iningatan sa asawa ng kapatid ko na si kuya Jonas..
Nang maranasana ko ang sakit sa pagkawala ng iningatan ko itinuring kong iyon ay magiging kaligayahan ng kapatid ko..
Sa nagdaang isang buwan ay apat na ulit kaming naging isa ni bayaw pero after two months walang nangyari..
Awang awa ako kay ate alam ko bawat iyak niya sa tuwing magtatabi kami ni bayaw.
Hanggang nagsuggest si ate na nagbook siya nang hotel sa baguio at magstay kami doon ni bayaw ng 3 days...Ang lahat ng nangyayari sa amin ay si ate ang nagpaplano.
Nang mag stay kami nang baguio doon mas naging mapusok na kami ni bayaw hindi na. ang kaligayahan ni ate ang mahalaga kundi ang kaligayahan na namin dahil nahulog na kami ni bayaw sa isat isa..
Nagsimula na din kaming umamin sa aming mga damdamin.
Mahal kita Hazel sabi ni bayaw habang nakayakap sa akin
Mahal din kita kuya Jonas pero mali ito pigilan natin ang ating damdamin hindi ko kayang saktan si ate.
Pagkaraan ng halos dalawang buwan ay matagumpay ang plano ni ate nabuntis ako at masayang masaya si ate at pinagresign na din ako nito sa trabaho si kuya jonas naman ay mas lalong masaya at maalaga sa akin
Mas madalas siyang nasa tabi ko. Lagi niya akong tinititigan, tinutulungan sa lahat.
"Alam mo hazel minsan naiisip sana hindi nalang ganito ang sitwasyon ano? sabi niya hababg inaantay namin ang obgyne minsan naiisip ko,
“Anong ibig mong sabihin?”
“Sana ikaw na lang ang naging asawa ko.”
Napatigil ako sa sinabi niya
"Wag mong sabihin yan kuya jonas,Ate ko ang asawa mo.”
“Alam ko naman yon,pero tao lang ako hazel.
Palaging parang may apoy sa pagitan namin ni Jonas, bawal pero nararamdaman.
Lalo na nang ipinanganak ko ang bata na pinangalanan ni ate ng Angeline
Si Ate, halos di mapigilan ang tuwa. Pero sa likod ng mga ngiti niya, ramdam kong alam niyang may nagbago.
Isang gabi, lumabas ako ng silid narinig kong umiiyak si Ate sa salas habang karga si angeline nag alala ako kaya nilapitan ko
"May problema ba ate?
Tumingin ito sa akin puno ng luha pero waring may galit
"May relasyon na ba kayo ni Jonas Hazel?
"Ate ano kaba hindi ko yan magagawa di ba at ikaw ang may gusto at nagplano ng lahat pero bakit ngayon parang ako pa ang pagdududahan mo?
“Akala mo hindi ko alam,Haze? Nakikita ko kung paano ka tingnan ni Jonas. Pero pinipili kong manahimik kasi mahal ko ang anak mo.
Dahil utang ko sa’yo ang kaligayahan ko
at ang katuparan na maging ina.
Dahil sa nangyari tuluyan na akong umiwas kay bayaw at tinutulungan ko naman si ate sa pa aalaga sa anak ko
Pero tuwing nakikita kong magkasama si Ate Grace si Jonas at ang anak ko may parte ng puso kong naiinggit,na sana ay ako ang kasama ng mag ama
Isang gabi, pagkatapos ng pagdiriwang sa binyag ni angeline nag usap kami ni ate.
"Pagod na ako.Hazel..
“Pagod saan, Ate?”
“Sa kasinungalingan. Sa araw-araw na pagharap kay Jonas ,na alam kong hindi lang ako ang nasa puso niya.”
Napatingin ako sa kanya, nanginginig ang labi ko.
“Ate, tapos na ’yon… matagal ng walang nangyayari sa amin ni Jonas
"Naganap lang ang lahat dahil sa iyong mga plano.
Ate Grace: “Pero may nangyayari,Hazel. Hindi man sa katawan, pero sa puso. Kita ko kung paano ka niya tingnan, at kung paano ka lumayo kasi natatakot kang mahalin siya.”
"Pero bakit ako ang sinisisi mo ate?
Nagsakripisyo din ako,ang sarli ko hinayaan ko na ikaw ang magdesisyon ,ang anak ko ate hinayaan kong ikaw ang maging ina niya ,
Nahihirapan din ako ate..Hindi ko na napigilang umiyak.
“Ate… sinubukan kong pigilan. Sinubukan kong maging matatag. Pero minsan, parang gusto ko na ring mawala, kasi hindi ko na alam kung hanggang kaylan ko makakaya ang sakit..
Pagkatapos ng gabing ’yon, umalis ako ng bahay nila. Lumipat ako ng probinsya.
Pero isang linggo lang, tumawag s Jonas
“Hazel, umalis ka na lang nang walang paalam. Alam mo bang naghihintay ako sa sayo araw-araw
"Jonas, kailangan kong lumayo. Hindi para sa’kin para sa inyo. Para kay Ate.”
“Hindi mo ba nararamdaman,haze? Hindi lang utang na loob ’to. Mahal kita.”
Nanginginig akong sumagot:
“Huwag, Jonas ’Wag mong sirain ang natitirang buo sa atin. Kasi kung may dapat mahalin ka, siya ’yon si Ate.”at ang anak nating si Angeline..
Ibinaba ko ang tawag.At mula noon, wala na akong narinig mula sa kanila.
Tatlong taon pa ang lumipas bago kami muling nagkitakita ng mamatay ang aming ina..i Angeline malaki na. Tinawag niya akong
tita hazel
At si Ate Grace, lumapit sa akin, may luha sa mata pero ngiti sa labi.“Salamat, Hazel. Dahil pinili mong maging tama kahit masakit.”
Niakap niya ako.At sa unang pagkakataon, naramdaman kong napatawad na niya ako at napatawad ko na rin ang sarili ko dahil nahulog ang puso ko kay bayaw
Sampong taon na ang lumipas mula nang iwan ko sina Ate Grace at Jonas
Matagal ko nang tinanggap na ang bahagi kong ’yon ang pagmamahal na bawal, ang kasalanang itinago ay bahagi na ng nakaraan.
Ngunit hindi na muling nagmahal ang aking puso ..
Tahimik na buhay na lang ang gusto ko
Hanggang isang araw, may kumatok sa pinto.
Pagbukas ko, nakita kong nakatayo Jonas malungkot namayat ,
"Bigla niya akong niyakap ,miss na miss kita hazel...
"Ano ba Jonas tahimik na ang buhay ko..
"Si grace hazel nasa hospital siya gusto ka niyang kausapin..
Parang gumuho ang mundo ko.
Pagdating ko sa ospital, nakita ko si Ate Grace, payat, mahina, pero nakangiti pa rin.
'Salamat, dumating ka. Hazel”
“Ate, ’wag kang magsalita. Magpapagaling ka, ha?”andito lang ako aalagaan kita
“Hindi na… pero ayos lang. Kasi bago ako mawala, gusto kong sabihin sa’yo matagal ko nang alam… mahal ka ni Jonas hanggang huli. Pero alam mo kung bakit hindi ako nagalit?“Bakit, Ate?”
“Kasi kung hindi dahil sa inyo, hindi ko mararanasan maging ina. Hindi ko mararanasan mahalin nang ganito ni angeline..
"Wag mong pababayaan si angeline at jonas hazel ha..
"Ano bang mga sinsabi mo ate gagaling ka makakasama mo pa sila
"Nararamdaman ko na hazel hindi na ako magtatagal pagod na pagod na ako.Matutulog na ako hazel salamat sa pagdating mo..
May luha pang dumaloy sa pumikit na mata ni ate malala na ang brain tumor niya at kahit dati ng naoperahan ay muling nauliit at dahilan din n hindi na siya nakakakita
Buong gabi nahirapan ako matulog kahit na magkatabi pa kami ni angeline sa bahay nila ate..Madaling araw na ka recieve ako ng tawag kay bayaw tuluyan na ding nagpaalam si ate...
Pagkaraan ng libing, si Jonas naman ay lumapit sa akin. Mas matanda na siyang tingnan dahil sa pag aalaga kay ate at angeline
"ilang taon na akong naghintay na makausap ka ulit hazel.
Jonas, tapos na ’yong sa atin. Si Ate ang minahal mo, at siya rin ang dahilan kung bakit tayo dapat tumigil.”
"Hindi ko siya kailanman tinigilan mahalin. Pero ikaw, Haze… ikaw ’yong hindi ko nakalimutan.”Tahimik lang ako.
Tumingin ako sa kanya, saka ngumiti nang may luha..
"Kakamatay lang ni ate Jonas bigyan natin ang ating mga sarili ng sapat na panahon.
Bumalik ako nang province kasama si angeline unti unti ko na ding naipapaliwanag sa anak ko ang relasyon sa pagitan naming dalawa at natanggap naman niya ako bilang ina..
Isang taon ang mabilis na lumipas matapos ang babang luksa kay ate ay bumalik na kaming mag ina sa maynila sa bahay nila ate grace
Tuluyan ko ng tinanggap sa buhay ko si Jonas at naging masaya naman si angeline..
Pagkaraan pa nang mga taon ay ngpakasal na din kami ni Jonas at nadadagdagan pa nang dalawa ang anak namin wala na akong mahihiling pa palagi akong dumadalaw kay ate at nagpapasalamat sa masayang pamilyang mayroon ako..
Wakas...
Tagalog Romance Stories
No comments:
Post a Comment