Karamihan sa tao ay pabago-bago ang blood sugar buong araw—tumataas at bumabagsak. Nagdudulot ito ng pagtaba, insulin resistance, energy crash, at pagkapagod. Hindi lang ito tungkol sa calories. Narito ang 7 paraan para ma-stabilize ang blood sugar:
1. UNAHIN ANG PROTINA.
Pinapabagal ng protina ang digestion at hindi nagpapataas ng blood sugar. Nakakatulong din itong mabawasan ang cravings at gutom. Targetin ang 0.8 hanggang 1 gram kada kilo ng timbang bawat araw. Mas okay ang fatty meat.
2. ITIGIL ANG SNACKING AT SUBUKAN ANG INTERMITTENT FASTING.
Ang madalas na pagkain (snacking) ay nagpapataas ng blood sugar at insulin nang paulit-ulit. Huwag kumain kung hindi ka gutom.
Ang fasting ay tumutulong sa katawan na gamitin ang stored energy—mula sa sugar sa dugo, papunta sa sugar sa atay, hanggang sa taba. Sa ganitong paraan, bumababa ang blood sugar at insulin.
3. IWASAN ANG PROCESSED CARBS.
Ang tinapay, kanin, patatas, noodles, cereal, crackers, at pastries ay mabilis magpataas ng blood sugar.
Palitan ito ng whole foods tulad ng karne, itlog, isda, kalabasa, at kamote (pwede mong obserbahan kung paano ka nagre-react dito). Iwasan muna ang prutas at honey habang nag-aadjust.
4. MAGLAKAD BAGO AT PAGKATAPOS KUMAIN.
Ang 15 minutong paglalakad pagkatapos kumain ay pwedeng magpababa ng blood sugar spike ng hanggang 30%. Kinukuha ng muscles ang glucose sa dugo kahit walang insulin.
Maglakad din bago ang unang kain (mas okay kung after 12 noon) at targetin ang 5,000–10,000 steps bawat araw.
5. MAGBUO NG MUSCLES.
Ang muscle ang pinaka-active na tissue sa katawan pagdating sa metabolism. Mas maraming muscle = mas maraming glucose ang nasusunog kahit nagpapahinga ka. Mas maganda ang blood sugar control mo.
6. BAWASAN ANG STRESS.
Ang stress ay nagpapataas ng cortisol, na nagpapataas din ng blood sugar kahit hindi ka kumakain.
Magdasal
Maglakad sa labas
Huminga nang malalim
Ayusin ang tulog
7. MATULOG NANG MAAYOS.
Isang gabi lang na kulang sa tulog ay nagpapababa ng insulin sensitivity kinabukasan.
7–8 oras na tulog
Iwas screen bago matulog
Panatilihing madilim at malamig ang kwarto
Ang healthy diet ay hindi lang tungkol sa calories at macronutrients—kundi sa pagpapanatiling stable ng blood sugar. Kung hindi, mas nagiging insulin resistant ka at mas madaling mapagod.
Gumawa ng sistema na kaya mong sundin base sa 7 na ito, at makikita mong bababa ang insulin, magiging normal ang blood sugar, at gaganda ang metabolic health mo.
Huwag maging tamad. Huwag hayaang pigilan ka ng edad mo. Kayang mag-adjust ng katawan mo.
Panahon na para ayusin ang kalusugan mo. Walang ibang gagawa niyan kundi ikaw.
A friendly reminder from Professor George Dr.
Educational post only not medical advice. If you have health issues, consult your low carb doctor..
No comments:
Post a Comment