Wednesday, April 15, 2026

Asan na.

SALAMAT NAMAN AT MAY UMAMIN NA PO SA GOBYERNO; 🙏

Ng tunay na dahilan, kung bakit hindi po isinama ang gasolina at krudo, nang tinanggal po ang Excise Tax sa LPG at kerosene ng Palasyo. 🤔

At kakulangan sa pera po talaga ang tunay na dahilan nito. 🤔

Dahil mawawalan po ng P50 Billion ang gobyerno, at kailangan po nila ito, upang makapagbigay po sila ng tulong sa ilang sektor ng Pilipino. 🤔

Kaya kailangan ko nalang pong kumpletuhin ang kuwento, dahil kulang pa po ito. 🤔

Hindi po talaga matatanggal ang VAT ng gobyerno, dahil mas kumikita pa po sila dito, sa bawat pagtaas po ng presyo ng krudo. 🤔

Dahil tandaan po ninyo, na ang VAT po ay 12% ng kasalukuyang presyo nito, kaya lumalaki po ang nakokolektang VAT, habang tumataas po ang presyo ng petrolyo. 🤔

At tinatayang kumikita po ang gobyerno ng karagdagang P4 Billion, sa bawat buwang pumapalo po sa USD100 kada bariles ang krudo sa pandaigdigang merkado. 🤔

Kaya mas madali pa pong tanggalin ang Excise Tax dahil fixed po ang binabayaran dito sa bawat litro o kilo ng produktong petrolyo: P3 sa kada litro ng LPG, P5 sa kada litro ng kerosene, at P6 sa kada litro ng gasolina at krudo. 🤔

At tinataya po na mawawalan lang ng kita ang gobyerno ng P1.5 Billion kada buwan, sa pagtanggal po nila ng Excise Tax sa LPG at sa kerosene po mismo. 🤔

Sa madaling salita po, kahit tinanggal na po ang mga Excise Tax sa mga produktong ito, nagneneto parin po ng P2.5 Billion kada buwan ang gobyerno, dahil po sa karagdagang koleksyon po nito sa VAT sa krudo. 🤔

At ang extrang kita pong ito, ang malamang na ginagamit po nila ngayon, upang makapagbigay ng sari saring ayuda sainyo. 🤔

Sa madaling salita po, nakakapagpapogi po ang ating gobyerno, na tila wala naman pong totoong inilalabas ito. 🤔

Ngunit sinabi ko na po ito sainyo, na naiintindihan ko po kung bakit ganito po ang diskarte nila ngayon sa krisis na ito. 🤔

Dahil ganito rin po ang magiging diskarte ko, kung bangkarote po talaga ang ating pondo. 🤔

Kaya nga ang natitira ko nalang pong tanong ay nasaan na po ang emergency funds ng ating gobyerno? 🤔

Dahil ang kawalan po nito ang dahilan, kung bakit kinakailangan pa ngayon pumili nito, kung sino lang ang tutulungan, at yung mga talaga nang nahihirapan. 🤔

At ang gatasang middle class ay kanila na naman pong iiwanan, dahil sa tingin po nila ay kaya pa pong magtiis ng mga yan. 🤔

Samantalang kung may emergency funds po tayo katulad ng Thailand at Vietnam, eh di natanggal po sana natin ang lahat ng buwis na ito, para lahat po ng mamamayan ay makinabang naman. 🤔

At kung nasagot na po ng gobyerno kung nasaan na po ang mga nawawalang pondong ito; 🤔

Itatanong ko narin po sainyo, kung sino po ang nagnakaw nito, at bakit tila po wala kayong sapat na ginagawa upang habulin ang mga ito. 🤔

Dahil nasa P980 Billion pa po ang nawawalang pondo ng bansang ito, pondong nakapagbigay sana ng lunas sa krisis na ito. 🤔

Matatalino na po ang mamamayang Pilipino, at dumarami na po ang katulad kong hindi kayang paikutin ninyo. 🤔

Kaya sana po ay matuto narin kayong maging tapat at bukas, sa mga dapat pinagsisilbihan po ninyo. 🙏

Magandang umaga po, mga Ka-G ko! 🫡

#attyg 
#attygbehindthenews 
#energycrisis
#excisetax
#vat
#photocredittotheowner



No comments: