Friday, April 10, 2026

Sugal

20 years hindi napasukan ang lagusan

Kuya Jay, Nakaraan ko pa nagawa ang sulat na ito, pero ngayon napagdisisyon ko na send na ito, 

Alam mo, habang nakaupo ako rito sa terrace at pinagmamasdan ang paligid, bigla ko lang naisip... ang bilis talaga ng panahon. 50 na ako. Parang kailan lang, 
Sariwa pa rin sa isip ko, Kuya, 27 years old lang ako nung nawala si Dante. 

Napakasakit nung panahong ’yun. Ilang buwan siyang nakaratay pagkatapos nung aksidente. Tinitingnan ko siya noon, halos hindi ko na makilala sa dami ng tubo, pero ang linaw pa rin ng huling bilin niya sa akin. Sabi niya, “Abby, kapag wala na ako, huwag kang matakot magmahal ulit. 

Mag-asawa ka sana. Magiging masaya ako kung masaya ka, basta huwag mong pababayaan ang mga anak natin.”
Sa totoo lang, nung mga oras na ’yun, nagalit pa ako sa kanya. Paano niya nagagawang sabihin ’yun? Siya lang ang gusto ko. 

Kaya nung nawala siya, isinara ko na ang puso ko. Ibinuhos ko ang buong buhay ko sa dalawa namin anak. Itinaguyod ko sila, pinag-aral, at heto na sila ngayon, may mga maayos na trabaho at sarili nang buhay.

Proud ako, Kuya Jay. Pero ngayong tahimik na ang bahay, doon ko lang naalala ang bilin ni Dante. Ngayon ko lang naisip na... tao rin naman ako. Uhaw din ako sa kalinga, Gusto ko rin ng may makakausap sa hapag-kainan, ’yung may magtatanong kung kumain na ba ako o kumusta ang araw ko.

Kaya lang, parang huli na yata ang realization ko. Sino pa ba ang manliligaw sa isang 50-anyos? At kung may lumalapit man, nakakalito pa. Gaya na lang nitong si Rannie, isang 30-year-old na lalaki. Halos ka-edad lang ng anak ko! Noong una, natutuwa ako dahil sa wakas, may nakakapansin pa pala sa akin. Nagpupunta siya rito, may dala pang prutas, at talagang nanliligaw ang galaw.

Pero Kuya, habang nagkakape kami rito sa sala kamakailan, unt-unting nanlamig ang pakiramdam ko. Narito kasi ang dalaga ko, si Kaye. Napansin ko na habang kinakausap ako ni Rannie, ang mga mata niya ay laging dumidikit kay Kaye. Kahit ako ang sumasagot, sa anak ko siya nakatingin. Iba ’yung ningning ng mata niya, Kuya. Hindi ’yun tingin ng isang taong gustong maging stepfather o galang sa anak ng nililigawan., parang kinutuban ako na masama, 

Bigla akong kinabahan. Baka naman ginagamit lang ako ni Rannie? Baka ang pag-aasikaso niya sa akin ay paraan lang para makapasok sa buhay ng anak ko. Napakasama naman ng iniisip ko kay rannie nab aka molestyahin nya lang ang anak ko, pero mas maiigi na rin ang advance mag isip, baka gagawin niya akong tulay para hindi siya magmukhang kahina-hinala sa madalas niyang pagbisita.

Nalilito ako, Kuya Jay. Nakakaramdam ako ng hiya para sa sarili ko at naawa rin ako kay Dante. Baka sa paghahanap ko ng makakasama para mapunan ang pangungulila ko, eh mapahamak pa ang mga anak na iniwan niya sa akin. 

Pero kapag nararamdaman ko naman ang haplos sa kamay ko ng palad ni rannie, parang gusto ko ng bumigay, isipin mo naman kuya jay 20 years mahigit na walang pumasok man lang sa lagus@n ko, baka nya sarado na, hehhehe, joke, 

Pero seryoso ako, gusto ko talaga ng may makasama sa buhay, lalo ngayon na ako na lang naiiwan kapag umalis na ang mga anak ko, nalulungkot ako, pero

 Dapat ba akong sumugal sa pag-ibig sa edad kong ito, o dapat ko na lang tanggapin na ang tadhana ko ay ang tumandang mag-isa?

Gusto ko lang naman ng kapanatagan, pero bakit parang lalong gumugulo ang isip ko? 

Ano ang gagawin ko?

 #truelovestory #kuyajaconfession #followers #ratedpgstory #topfans

No comments: