Re-uploading this guide for my fellow beginners. 🙌
When buying stocks, may tinatawag tayong board lot at odd lot.
Board lot – ito yung standard size kapag bibili ka ng stocks. Ang number of shares ay naka-depende sa price range ng stock.
Think of it parang sa palengke. Halimbawa ang stocks ay bigas. Sa palengke, kadalasan per sako ang bilihan. Mas maraming bumibili dito kaya kadalasan mas maayos ang presyo. Ganyan din ang concept ng board lot market.
Odd lot – ito naman yung number of shares na hindi pasok sa board lot multiples. Iba rin ang market nito.
Kung ang board lot ay parang palengke, ang odd lot naman ay parang sari-sari store. Pwede kang bumili ng per kilo instead na per sako, pero mas konti ang buyers kumpara sa palengke, at minsan hindi ganun ka-competitive ang presyo.
Kaya bilang beginners, magandang maging pamilyar muna tayo sa mga basic rules ng market tulad ng board lot at odd lot. Maliliit na kaalaman ito, pero malaking tulong sa tamang pag-invest.
Use the image below as your guide when buying stocks.
Happy Investing Everyone 🙌❤️

No comments:
Post a Comment