Wednesday, April 08, 2026

Salamat panginoon.

HINDI LAHAT NG “FOR ADMISSION” AY DIRETSO AGAD SA OPERAHAN 😷💉

Wag EXCITED 😊 at hindi biro ang dadaaning TAKOT 😱 KABA🥺at kung anu ano pang imosyon.

Akala ng iba kapag na-admit ka na, isasalang ka agad sa OR—pero ang totoo, hindi pa doon nagsisimula ang laban.

 Minsan dalawang araw o higit pa muna sa ward, dahil mas importante na masigurong handa ang katawan mo.

Sa mga panahong iyon, sunod-sunod ang mga tests: 

✔️ Vital signs monitoring (BP, pulse, oxygen)

✔️ 2D echo para makita ang kondisyon ng puso

✔️ Chest X-ray para sa baga

✔️ ECG para sa ritmo ng puso

✔️ Blood tests (minsan paulit-ulit pa lalo na kung mahirap kunan ng dugo tulad ko 🥺)

Hindi biro ang proseso… minsan hilo, minsan pagod🥺, minsan takot😱.

 Pero lahat ng ito ay ginagawa para sa kaligtasan mo.

 Hindi ka basta isasalang kung hindi ka pa ready.

✨ MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG OPERASYON: ✔️

 Sumunod sa lahat ng utos ng doktor

✔️ Magpahinga at iwas stress

✔️ Kumain ng tama (kung pinapayagan)

✔️ Magdasal at ihanda ang sarili—physically at emotionally

✔️ Magtanong kung may hindi naiintindihan

⚠️ MGA DAPAT Iwasan: ❌ Huwag magtago ng nararamdaman (sabihin lahat sa doktor)

❌ Huwag mag self-medicate

❌ Iwasan ang puyat

❌ Huwag kabahan ng sobra—normal lang matakot, pero wag hayaang kainin ka nito
Sa bawat tusok ng karayom, sa bawat test na ginagawa—lahat yan bahagi ng paghahanda para sa mas malaking laban.

Hindi madali… pero kakayanin. 🙏

AT NGAYON, ITO AKO 6MONTHS POST OP NA☝️✋✨🙌🙏❤️.

Dahil ang bawat paghihintay ay hakbang papunta sa paggaling.

SALAMAT PANGINOON KO, HINDI MO AKO BINIGO✨🙌🙏

#ForAdmissionReality #LabanLang #PreOpJourney #HospitalLife #HealingProcess #TiwalaLang #StrongerEveryday #FaithOverFear #RealTalk #BuhayMayLaban

No comments: