1. Kapag hinihingian ka ng deposit sa ER:
Ang script mo: “Emergency at life-and-death ang kaso namin. Ayon sa RA 10932, bawal kayong humingi ng deposit bago kami bigyan ng basic emergency care.” (Note: Hindi ito applicable sa non-emergency or scheduled surgery).
2. Kapag hindi binawas ang bagong PhilHealth increase:
Ang script mo: “Na-update niyo na ba yung bill namin para sa bagong 30% increase ng PhilHealth sa case rates ayon sa Circular 2024-0001?”
3. Kapag sinabi nilang hindi ka member ng PhilHealth:
Ang script mo: “Lahat ng Pilipino ay automatic na miyembro ng National Health Insurance Program ayon sa RA 11223. Aayusin natin ito sa PhilHealth window niyo ngayon.”
4. Kapag hinarang ka sa paglabas kasi kulang ang pambayad:
Ang script mo: “Gagawa kami ng Promissory Note na may co-maker. Ayon sa RA 9439, bawal ninyo kaming i-detain dahil hindi pa buo ang bayad namin.”
(Important: Bawal gamitin ang batas na ito kung nag-request kayo ng private room. Ward at semi-private lang ang covered).
No comments:
Post a Comment