Tuesday, May 05, 2020

ABS CBN SIGN OFF DUE TO EXPIRED FRANCHISE 05052020.

👇👇 👇👇

Klaro naman palang may violation. Yes kawawa ang mga nasa baba na nagttrabaho. .pero mali ay mali. . .

If you were watching 24 Oras, the News Veteran Jessica Soho (which I would like to commend for treating the news and interview fairly) was interviewing FICTAP Chairperson Estrellita Tamano, she enumerated reasons why the Kapamilya network had to be closed. I will try to simplify it for everyone to understand.

(1) the network altered their original franchise in 1995. Sabi ni Tamano, ang nakalagay sa franchise ay "channel" and in franchising, according to her, follows one channel, one franchise rule. Ang ginawa ng Kapamilya network was to change it to "channels".

(2) At dahil channels na siya, may mga idinagdag na channels and programs ang Kapamilya, through the ABS-CBN blackbox,  na hindi naka stipulate sa contract which was an obvious na paglabag sa kontrata.

(3) At dahil may blackbox na nga kng saan ilegal na nagdagdag ng channels ang Kapamilya, naningil pa ng bayad ang istasyon sa mga tao if they avail the service of that blackbox where in fact ang nsa kontrata ay ang airing ng channel ng ABS should be free.

(4) Ano ba ang naging epekto ng blackbox? Humina ang subscriptions sa cable networks causing them to ask for investigation of said service ng Kapamilya.

(5) Binigyan ng almost 5 years na mag explain ang Kapamilya regarding sa hindi nila pagsunod sa kontrata, however, NTC has not receieved any interest to answer.

I don't think what happened to ABS-CBN is an oppression of press freedom. Kasi ang oppression ng press freedom ay kung LAHAT ng stations, networks, and all forms of media  sa Pilipinas ay ang ipinasara. GMA and TV5, for instance, are still airing. So, saan ang oppression diyan?

As how I see it, pinasara ang Kapamilya Network because may pagkukulang sila. And it would be most unfair to allow them air na may violation sila tapos yung ibang networks matinong sumusunod sa batas.

Let's simplify it some more:

Para lang yan tatlong  malaking supermarket. Yung isa may permit (Kapuso), yung isa naman hindi masyadong malakas ang benta pero may permit to operate (Kapatid), pero yung isa sobrang lakas ng bentahan pero wala palang permit to sell (Kapamilya). Now, sino ang sa tingin ninyo ang dapat ipasara?g
(ctto) and to 24 Oras

#copypaste
Para sa akin.. biased talaga sila sa News Reporting nila. Halatang halata na anti-Duterte sila. Napakadaming nagawa na ng PDU30 na maganda sa pilipinas pero pilit pa rin nilang dina-divert  at hinahanapan pa rin ng maling butas at yun ang i air nila at yung magandang nagawa sa social media na lng nalalaman. ðŸĪĶ‍♀️

ABS-CBN SHUTDOWN REASONS PART I:

Filipinos,
Hindi naman dahil sa 'way of reporting' or how biased ang ABS-CBN kaya sila na-shutdown.

Isa-isahin natin mga cases nila. OK?

1. Selling of their TV PLUS Digital Box eventhough hindi sila kumuha ng license for it to sell and it wasn't registered in NTC.
2. Adding 'sister-channels' like Cinemo, Yey Channel, etc. under their company name but not registering it to NTC.
3. Unpaid 'due taxes' issued to them and not cooperating with the higher authorities since late 2014.
4. Asking for pay-per-view for KBO MOVIES when under their signed contract it's called FREE TV meaning FREE TO AIR, FREE TO WATCH.
5. Lastly, operating their registered channel under the name of one franchise as ABS-CBN, wherein they only registered one channel, but they have 'channels'? ðŸĪ”🧐ðŸĪŦ

– Baka i-bash niyo ako. ðŸĪ­
Yes, my TV PLUS kami.
I also enjoyed their shows and find it entertaining, specially AC CHANNEL bcoz KDrama is lifee nowadays.

PERO, WAKE UP GUYS. KUNG HINDI TUTURUAN NG LESSON YUNG MGA PAGKAKAMALI AND ILLEGALITIES NG HIERARCHY NILA,
PAANO NAMAN YUNG NGA TAONG NADAMAY AT NAWALAN DAHIL SA KAPABAYAAN NILA?
TIKOM BIBIG AT BULAG-BULAGAN NALANG BA?
Palalampasin nalang kasi fave channel mo?
I beg to disagree. ðŸĪŠ

May point yung NTC.
In this time of crisis we need to be as one.
Pero, paano yung mga pamilya noon na nagwowork sa Cable Companies na nawalan ng work because of TV PLUS and its 'cable channels'?

Sad din ako, but when it comes to ILLEGALITIES one should shoulder it's CONSEQUENCES. 😉

#copypaste
#ccto
#openyour 👀ðŸ˜ģðŸ˜ģ





Ros E Ann Q AND A PORTION | Para sa mga nagtatanong kung bakit nag- off air ang ABS-CBN. #RealTalk

Q : Bat nag-off the air ang ABS-CBN?
A : Expired yung franchise.
Q : Eh e bkit di nagrenew?
A : Nagrenew since 2014. Actually (9) siyam na beses.
Q : Oh e ayun naman pala eh. So ano na status?
A : PENDING. Until now.
Q : Eh bakit may TV Plus? Kasama ba to sa original na prankisa? Nag-apply ba sila para sa iba pang channels?
A : Nagkaroon ng shifting from Analog to Digital.
Nag apply ang ABS-CBN ng lisensya sa National Telecommunications Commission to operate a digital terrestrial television service in the country noon pang 2007. Nung time na un, nagplano ang ABS-CBN na mag offer ng new channels. Like (S+A) formerly studio 23 at 5 additional specialty TV channels.
Dahil na rin sa paglipat from Analog to Digital terrestrial television,pinayagan na i-ere ang dalawang free to air channels ( Channel 2 at Channel 23) pati na rin ang karagdagang channels tulad ng DZMM Teleradyo, Knowledge Channel, Cinemo, Yey! and KBO na available sa TV Plus.
( Six of the seven channels were available for free on the digital box)
Sa katunayan, noong December 18, 2014, nag issue ang National Telecommunications Commission (NTC) ng I.R.R o implementing rules and regulations para sa digital terrestrial television broadcast sa Pilipinas.
Dahil dito, opisyal na ni-launched ng ABS-CBN ang ABS-CBN TVplus on February 11, 2015.
Q : Ha? Sino nag allow?
A : Gobyerno.ABS-CBN complies with all pertinent laws governing its franchise and has secured all necessary government and regulatory approvals for its business operations.
Q : So legal ba yung ABS-CBN TV Plus at ibang channels don?
A : Yes. As approved and allowed by NTC.
Q : So bakit lumalabas ung issue ng ibang channels ng ABS-CBN na isang paglabag daw sa prangkisa?
A : Actually never naman to pinag-usapan sa Kongreso at Senado. Kasi DI NAMAN BAWAL yung IBANG CHANNELS. Besides, dumaan sa LEGAL NA PROSESO yun at aprubado ng NTC.
Q : Ah okay. So ano tong nangyayare ngayon?
A : PAMUMULITIKA at PAGPATAY SA PRESS FREEDOM. Napressure kasi ung NTC sa BANTA ni SOLGEN Calida. Syempre, may ibang nakikisawsaw sa issue at gusto palabasin na kapabayaan ng ABS-CBN ang nangyayare.
Where in fact, 6 years na naka-pending ang franchise renewal application.
Q : May violation ba ang ABS-CBN dun sa pagdagdag ng ibang CHANNELS? Ano ginawa ng NTC sa loob ng 6 na taon kung meron man violation (kahit wala naman talagang violation) ang ABS-CBN?
A : Walang ginawa NTC. Kasi wala naman talaga paglabag kaya patuloy na nag-operate ang ABS-CBN at yung CHANNELS sa ABS-CBN TV PLUS.
(Take into consideration yung 6 years, it's either NTC is not doing their job or it's politics, nothing in between)

#ABSCBN

Sabi ng NTC.


#ctto
To All VIEWERS of ABS-CBN, 
COPY-PASTE ko lang po ito, 
Pero sana may makita na kayong malinaw na dahilan kahit papano, sa mga paglabag nila, kaya #SHUTDOWN

Neng Juliano-Tamano - President, FICTAP: Mula pa noong 2014 kung maalala nila ino-oppose na namin ang renewal ng franchise ng ABSCBN dahil po iyong sinabmit nilang for renewal ay malayo sa original na franchise nila noong 1995. Mayroon po silang idinagdag doon. Ang ibig-sabihin: One Franchise - One Channel. Iyon po ang ABSCBN Franchise. Ang kaso po, nang nag-apply sila noong 2014, ang nangyari ay dinagdagan nila ng “S” ‘yung “channel”. Magkaiba ang channel na single channel sa channels. In-oppose po namin ‘yun noong 2014 pa - time pa ni PNoy. So ‘yun ang inaasahan namin at kaya hindi rin sila nabigyan ng franchise noong panahon na ‘yun na ang Chairman pa noon ay si Cong. Marcelino Teodoro. So ngayon ang inaasahan namin noong 2015, 2016, 2017, 2018, 2019 inayos na nila ‘yung problema na ‘yun.

Subalit hindi nila inayos. Pareho pa rin po ‘yung ifinile nila sa kongreso noong nakaraan. Hanggang ngayon hindi nila binabago. Malayong-malayo po. It is a new application, bakit po? Kasi inilagay nila maraming channel para ang paniwala namin para ma-justify nila ang kanilang mahiwagang black box o kaya ‘yung TV Plus na ginamitan nila ng anim na channel na walang franchise.

Ginamit nila ang airwaves ng ABSCBN na maraming channel at naningil sila sa taong bayan na hindi sila dapat [naningil]. Dahil ang ABSCBN kapag gumamit ka ng airwaves, that is free to air hindi sila pwedeng maniningil sa taong bayan. Naningil sila noong Manny Pacquiao - Mayweather fight. Nag-oppose kami isinumbong namin sa NTC na naniningil sila. Binigyan sila ng cease and desist order ng NTC dahil in trial lang ang kanilang TV Plus.

Subalit hindi nila pinakinggan ang NTC bagkus ipinalabas pa rin nila at naningil pa rin sila ng 2,500 sa taong bayan. Mayroon pa isa, ‘yung sa KBO naniningil sila ng 30 pesos sa programa ng KBO which is also a big violation dahil free to air ang ginagamit nila subalit pineperahan nila ang tao. Maraming violation silang ginagawa.

Hinintay namin wala na kaming narinig na tumawag 2015, 16, 17, 18, 19 ng hearing tungkol sa franchise. Wala ng panahon, ngayon sila nagpapa-renew eh hindi naman sila na-renew eh kami ang paniwala namin kapag no franchise kaylangan huminto kayo.

#copypaste

Eto intidihin natin

Ok...apparently maraming nainis sa post ko kagabi na I'm against ABS CBN shutdown. Yung iba mga kamag-anak ko pa, telling me na abugado pa man din ako bakit hindi ko tingnan ang facts of the case and the legal basis why the NTC revoked the franchise. I still maintain that NTC can give provisional license to operate while hearing in Congress regarding franchise is pending. Ang reasoning nila ay mainly yung interview ni Neng Tamano of FICTAP sa GMA kagabi. Kahit ayoko na pong magpunta sa details pero sa hearing sa Senado pa lang nagmukhang tanga na si Mrs. Tamano dahil mali ang idea nya na ABS's renewal application is fraudulent dahil nagpaparenew ang ABS ng multiple channels when it should have been one channel-one franchise ang policy. Mali po. It should be one frequency-one franchise. Sa pagkakaalam ko ang isang analog frequency can carry at least 6 SD channels or 3 HD digital channels. Totoo that airwaves are owned by the people. Pero ang nirerentahan mo ay franchise for a specific frequency and because of technological advancement, nadigitalize na ang broadcast signal na pwedeng magkaroon ng let's say, 6-channels. Check niyo ang RA 7966 re ABS franchise na frequency ang inapply. Medyo hindi abot ng utak ni Mrs. Tamano ang advancement ng digitalization, analog pa din kasi alam niya at napick up ito ng mga simple individuals to convince themselves na may mali nga ang ABS. Pero ang katotohanan, enterprising din si Ma'am kasi tinatalo lang ng TV plus ang Cable business nya kaya sila nagoppose sa NTC. Besides, napagusapan din sa Senate Hearing na bayad ang lahat ng taxes ng ABS, clear din sila sa DOLE kung may injustice man sa mga empleyado at kung may violation man sa NTC na P200 dapat ay penalty lang at binigyan na ng provisional license to operate. 

Sabi ko naman kasi ayoko na magdiscuss ng facts kasi personal naman ang issue ko na laking-ABS CBN ako. Ayoko magpaka-abugado sa opinion ko. Pero baka makatulong na maintindihan ng iba. Salamat po. 

#NoToABSCBNShutdown




No comments: