Tuesday, May 05, 2020

Natural na gamot ni gerd.

sinu po nakakaalam nito?

Malaki po ang maititulong nito sa acid reflux at GERD. Ako kasi matagal tagal din na pinahirapan ni AR at GERD, kapag nagpaparamdam sa akin ay parati akong nagpapanic. May time pa nga na nagpaadmit na ako sa hospital. Naka 2 doctors na din po ang pinuntahan ko at maraming gamot ang binigay sa akin . Sinubukan ko din ang omeprazole, metronidazole, krimel-s, ranitidine, dicycloverine at iba pang mga antacids, nagpatingin na din ako sa albularyo kasi akala ko ay nakulam or nabarang na din ako 😂😂😂 yun no effect pa din kaya nagtry ako ng talbos ng bayabas at talbos ng kamoteng banging yung kulay pula (yung pinakatalbos ang kinuha at kinain ko ng hilaw matapos kung hugasan ng maayos) sa ngayon pangalawang araw ng hindi ako binabagabag ni AR at GERD.

At Salamat kay GOD dahil sa ang bayabas at kamote pala ay may gamit sa karamdamang eto.

No comments: