Bakit masaya mag trabaho sa fast food chain (service industry)
Kahit mababa ang sahod...
Una. Dito ka matututo magtiis ng gutom, sa sobrang dami ng tao kapag nag break yung isa niyong kasama, mapipilayan talaga ang shift lalo na kung may kasama pa kayong new hire. Kaya ang ending ay magb-break lang kayo after ng shift niyo, kapag humupa na ang dami ng tao.
Pangalawa. Dito ka matututo maging manhid sa masasamang sasabihin sayo ng tao, yung tipong na-late lang ng 5 minutes yung serving ng pagkain nila, iba't-ibang pangungutya na ang matatanggap mo, ipapahiya ka sa harap ng madaming tao at ipamumukha sayo na mababang lebel ang trabaho mo. Dito ko naranasan na umiwas sa isang area ng store dahil kumakain pa don yung namahiya sa akin, kahit madami na ko dapat linisin na table sa area na yon ay hindi ko malinis dahil alam kong magpaparinig na naman yung customer na yon.
Pangatlo. Dito ka matututo mag handle ng oras mo, lalo na kung working student ka. Isang saludo para sayo. 😊 Dito ko naranasan yung mga pagkakataon na hindi papasok yung kasama kong crew next shift dahil may sakit sya, ang ending ay 30 minutes na lang ako makakapag-review para sa exam ko sa araw na yon.
Bakit naging masaya kung puro naman pala pangit ang karanasan ko?
Totoong mahirap.
Pero totoo ring dito ka yayaman sa kaibigan.
Totoong nakakaiyak.
Pero totoo ring dito ka maiiyak kakatawa sa kalokohan.
Maraming totoo sa trabahong ito.
Nandyan ang mga kapwa mo crew na totoong tao sayo, yung tipong pag napahiya ka sa harap ng maraming tao... "Ano? Maghubad tayo ng uniform, abangan natin sa labas?" mga biro upang mapagaan ang loob mo.
Katulad ng mga basurang hawak ko sa larawan na to, dito ko natutunan na kapag ako na yung customer, hinding hindi magiging basura ang tingin ko sa mga taong hindi ko naman alam ang buong istorya ng buhay.
Tandaan mo, mas basura ang taong marunong lang magkalat ng kahihiyan ng kapwa nila tao. Mas basura ang mga taong mataas ang tingin sa sarili. Mas basura ang mga taong hindi kaya humipo sa nararamdaman ng iba.
Bakit masaya mag trabaho sa fast food chain (service industry)
Yung totoo, mararamdaman mo lang na masaya ka talaga sa trabahong ito kapag hindi na pera ang habol mo sa pagpasok dito, kundi yung pamilyang nabuo mo sa likod ng mga kapwa mo crew na basura lang para sa mga taong pinagkaitan ng tadhana na makapagtrabaho sa kagaya nito.
Conclusion: Dapat siguro lahat ng trabahador sa mundo dumaan muna sa service industry para matutunan nila magpakumbaba.
"Attitude is more important than ability."
Copy and edit the caption from MR. NIEL CHRISTOPHER ANTONIO
No comments:
Post a Comment