Friday, May 01, 2020

Minsan di natin hawak ang mangyayari sa atin.

Share ko lang nangyare kanina sa store namin...
Umorder si Kuya Grab sakin, yung resibo ayan. Makikita niyo naman kung gaano kalaki binayad niya diba?? Tas syempre magsasara na kasi kami ng 5 kaya karamihan sa mga product namin promised time na.
Tas okay na order nya, bina-bag na, tas nagtawag ako ng isang grab driver kasi okay na din order niya tas sabe niya sakin "Ate yung isa kong kasamahan cinancel ng customer yung order" tinuro niya sakin si Kuya. Nakatungo tas parang namomromblema, pagkakita ko sakanya naluha talaga ako agad... Promise swear to God!!! Tinawag ko isa sa mga MOD na nakaduty, nilapitan siya tas tinatry na tawagan si customer ulet kaso wala ng info... Super nakakaawa kasi ang laki ng binayad niya!! Naorder na, naassemble na tas icacancel mo ng ganon-ganon lang?? Baket may mga ganung tao?? Hindi niyo ba naiisip hirap ng mga yan?? Sa kabila ng nangyayare sa mundo, may mga ganon parin palang mga tao. Nangangailangan din yang mga yan.. Mahirap din dinadanas nila, pagantay pa lang ng mga order niyo. Pagtiis sa init, naghahanap buhay yang mga yan ng maayos tas ganon gagawin niyo?? Kung sino man yang umorder na yan kay Kuya Grab, Godbless sayo! Hindi ko alam dahilan mo pero sana hindi mo parin ginawa... Sana naisip mo mararamdaman niya.. Wag ka magalala, binalik namin yung pera niya. Nirefund na lang yung order niya na sana idedeliver sayo😊 Alam mo ba na pagbalik ko ng pera niya tas pagbigay namin ng pagkain sakanya maluha-luha siya?? Siguro sa hiya tsaka sa galit niya sayooo. Sabe namin sakanya "wag na siya malungkot, hayaan na yung mga ganong tao." Skl guys, Godbless sayo Kuya Grab!! Nakalimutan ko pangalan niya...

And sayo sa umorder, buti na lang nung nag cancel ka ng order mo. Nasa store pa si Kuya Grab.. Paano kung papunta na siya sayo tas bigla mong cinancek order mo? Edi lalo siyang nahirapan... Maging aral sana sayo to kung sino ka man.. Isipin mo mararamdaman nila...

Flex ko lang din store namin, lalo na mga manager na nakaduty kanina. ❤🙌🏻 Hands up!! Napaka-solid..

PS. Guys please share this post para matauhan yung taong umorder para hindi niya na gawin sa iba and para din sa mga nagbabalak na gawin to! Godbless FB Friends!!!

#JollibeeTeamZapote❤
#SpreadLove❤
#GodblessUsAll🙌🏻

No comments: