Friday, May 01, 2020

How to boost your immune system.

IMMUNE SYSTEM

Palakasin ang Immune System
* Kumain na tama. Wag panay karne ng baboy at baka. Mag gulay at prutas kayo. No junk foods. Bawal maalat at mamantikang chibog.
* Uminum ng sapat na bilang ng tubig sa bawat araw. Sobrang init ngayon kaya pilitin 2 liters man lang kada araw. Maaring haluan ito ng lemon upang madagdagan ng Vitamin C.
* Iwasan uminum ng soft drinks o mga concentrated powder drinks tulad ng ice tea o orange powder na madaming asukal.
* Panatiliin ang good hygiene. Wag panay naspu naspu o hugas kamay lang, maligo rin araw araw! Baho mo na.
* Mag-exercise maski pa-otso-otso o kembot-kembot, dapat may sapat na tulog pero di laging tulog ng tulog.
* Tigil na paninigarilyo at pag-inom ng sobrang alak. Lagi ka na lang sinasabihan ang tigas ng kokote mo!
* Panatiliin ng tamang timbang. Magbawas ka na at malapit ka na pakawalan.
* Uminum ng mga bitamina at supplements para may pang-alalay.
* Iwasan sobrang pag-iisip at wala naman magbabago maski lagi kang nag-aalala.

Note
Ang “immune system” ay ang depensa ng ating katawan laban sa sakit, impeksyon at virus tulad ng coronavirus. Ito din ay tumutulong sa mabilis na muling paggaling mula sa karamdaman. At habang wala pang gamot at bakuna wala tayongbibang dapat gawin kundi palakasin ang immune system at iwasan magkasakit. Stay home!

No comments: