Friday, May 15, 2020

Ang pastor at 500 pesos.

Ang Pastor na "Di Umanong" Nagnakaw ng 500 Pesos

Isang mag-asawa ang nag-anyaya sa kanilang pastor pagkagaling nila sa church upang maghapunan sa kanilang tahanan. Pagkaalis ng pastor, sinabi ng misis sa mister, "Sa palagay ko ninakaw ng pastor ang 500 pesos na nasa lamesa na ibibigay ko rin naman sa kanya." 😐😐😐

Pagalit na nagsalita ang mister, "Kapag ang isang tao ay kumuha ng isang bagay na hindi alam ng may-ari ay isa siyang magnanakaw! Huwag na siyang imbitahan muli rito. Sa ibang church na rin tayo umattend." 😡😡😡

Pagkalipas ng dalawang buwan, nakita ng misis ang pastor sa daan at buong tapang na humarap at sinabing, "Magandang umaga ho Pastor, siguro naman ho ay naiisip ninyong hindi na kami nadalo sa mga gawain sa inyong church. Ito ay sa kadahilanang galit kami sa inyo. Noong panahong kumain ka sa amin ay may 500 pesos sa may lamesa. Biglaan itong nawala habang tayo ay kumakain. Kayo lang naman ang bumisita sa amin noon e." 😒😒😒

Sumagot ang pastor sa kanya, "Oo, kinuha ko ang pera. Isinigit ko sa Biblia para hindi matapunan ng sawsawan. 😊😊😊

Naguluhan ang babae at humingi ng tawad sa pastor.😁😅😣

Pagkabalik sa bahay, binuksan niya ang Biblia at nakita nga niya ang 500 peso bill na naroon sa loob ng dalawang buwan.😮😮😮

Sa loob ng dalawang buwan, hindi siya nagbuklat ng Biblia niya upang pagbulayan ang salita ng Diyos.

Sa loob ng dalawang buwan, silang mag-asawa ay puno ng pambibintang sa pastor.

Sa loob ng dalawang buwan, pinahirapan sila ng pangyayari

Hindi ka ba payapa sa iyong puso sa anumang kadahilanan?

Baka dahil hindi mo na binubuksan ang iyong Biblia?

BASAHIN ANG BIBLIA AT PAGBULAY-BULAYAN ANG SALITA NG DIYOS ARAW-ARAW

Orig. English Post/Photo: ctto
---

Hindi po ito sa akin at nabasa ko lang. Isinalin ko lamang sa Tagalog para sa mga kapatid sa Panginoon.

Ang punto dito ay sa loob ng halos dalawang buwan ng ECQ, nagawa mo na ba kapatid na magbasa ng Word of God? Baka naman ang paghihirap ng iyong puso ay mawawakasan na sa puntong buksan mo ang Biblia at buksan ang puso sa Diyos.

Go go go!
Stop worrying, look for your Bible and listen to God's voice!
Copy paste!

Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.
Josue1:8

God bless us all. 😊

No comments: