Basic Indicator #1 (Volume)
Ibig sabihin lng neto is kung ilan yung naging trade over a period of time. Pwedeng minutes, hours, daily, weekly, monthly or kung saan ka masaya bahala ka sa buhay mo😂
#1 pag tumataas ung price pero pababa volume, iwas muna sa ganito
#2 tumaas man or bumaba ang price pag maliit ang volume, avoid din muna. Pero pag tumaas or bumaba man ang price ng isang stock at malake volume ibig sabihin may something na cya parang sa lablyf me nadedevelop na.
#3 pag bigla nman lipad ng price kasabay pa ng malaking volume nagkakaron din ng tinatawag na "exhaustion moves" parang puso lng minsan napapagod din magmahal, senyales ito na patapos na ung trend kaya dapat lumabas ka na ren bago ka maiwan sa kangkungan. Kaya nga minsan mas ok din magbenta on the way up kase nde nman kaya sustain ng matagal ung pagtaas lalu na kung sobrang laki na tinaas ng price at numinipis na volume, kesa pag pababa na ska ka magbenenta or mas makaka-relate ka dito kung naransan mo na yung pera na naging bato pa.
#4 pag matagal ng sideways ung stock tapos ung price nya halos nde nagbabago pero lumalaki ng lumalaki volume, sign na yan na malapit na reversal kaya bantayan mo na.
#5 pag akala mo breakout na ung stock pero maliit ung volume, iwas ka dyan. Madalas mangyari to ung tipong pinipitek lng ung price para tumaas pero pag kumagat ka, yare ka.
#6 best time to buy is pag pababa na ung stock at lumiliit na volume, ibig sabihin neto humupa na bentahan at nakahold na ung may mga hawak. Yung mga nagbenta nun magbabalikan na pag nakitang stable na ung price.
#7 eto importante sa lahat. Pag ang galaw ng price at volume pareho, the trend of the stock price will continue. Example pag tumataas ung price kasabay ng paglaki ng volume, tuloy ang uptrend at pag pababa ung price kasabay ng pagliit ng volume, tuloy ang downtrend. Pero pag opposite direction na sila, dun nagkakaron ng trend reversal.
#8 pag biglang taas ng volume pero ang price nde nagbabago ibig sabihin nun mas aggressive na mga buyer kesa sa seller kaya pag naubusan na ng ibebenta si seller, dun na lilipad pataas ung price.
#9 lastly maganda gamiting indicator ang volume para malaman mo yung trend kung tataas ba or bababa ung price pero mas ok kung samahan mo din ng ibang indicators.
If anyone can add on to this, I'll trully appreciate it at kung may mali pki correct na lng po aq.
Note:
Share this if you want but please don't copy paste it kase po pinaghirapan ko din mag isa yan para lng mai-share sa inyo... Thanks!
No comments:
Post a Comment