Thursday, May 28, 2020

Hilo

Hilo

Maraming dahilan ang pagkahilo.
Kadalasan ay hindi naman delikado ito.

Mga possibleng dahilan:
1. Problema sa mata – Kung malabo na ang iyong mata, pwede kang mahilo sa pagbabasa. Kung madalas mag-computer, nakahihilo rin. Magpatingin po sa ophthalmologist (doktor sa sakit ng mata) o optometrist (tagasukat sa grado ng mata). Magpagawa ng salamin o baguhin na ang grado ng salamin kung kinakailangan. Dapat din ipahinga ang mga mata at tumingin sa malayo para ma-relaks ito.

2. Problema sa tainga – Isa pang pangkaraniwang dahilan ng pagkahilo ay ang sakit sa tainga. Nasa malusog na tainga kasi natin ang may kinalaman sa balanse at pag-galaw.

3. Presyon ng dugo – Kung ika’y may high blood, pwede kang mahilo at manakit ang iyong batok. Kung ikaw naman ay low blood, anemic at maputla, pwede ka rin mahilo.

4. Nerbiyos – Ang mga nerbyoso ay madalas din mahilo. Kapag kinakabahan o natatakot pwede silang mahilo. Ang tawag dito ay panic attack o nerbiyos.

5. Kulang sa oxygen – Meron din naman nahihilo o nahihimatay sa isang kulob o mataong lugar. Dala ito ng matinding init at dami ng tao. Karaniwan sa mga may edad lalo na yung may sakit sa puso na mahina ang pagbomba nito ay nakararanas ng poor blood circulation.

Anong mga dapat gagawin kapag nahihilo?
😵 Alamin ang mga nagpapa-stress at iwasan ang mga ito
😵 Kung ikaw ay may panic attack, huminga nang malalim at piliting kumalma
😵 Huwag magmadali sa pagtayo o pag-upo para hindi mabigla ang katawan
😵 Limitahan ang paggamit ng gadgets tulad ng cellphone o laptop. Ipahinga ang mga mata pagkatapos gumamit ng mga ito.
😵 Hangga’t maaari, magkaroon ng healthy lifestyle
😵 Kumain ng regular at iwasang ma-dehydrate. Makabubuti ang pag-inom ng walong baso ng tubig sa loob ng isang araw.

No comments: