Parang may mali...
Pataas ngayon ang bilang ng covid cases. Pati yung rate ng namamatay nasa 2% na. May covid variant na rin sa bansa at pataas din mga kaso kada araw. Ang planong pag-relax ng age restrictions o pagluwag sa edad 10 years old pataas na pinayagang lumabas para sa “economiya” ay mukhang hindi napapanahon. Sabayan pa pagpayag ng CHED sa face to face classes ng piling mga universidad ay parang wrong timing. Ang mga yan ay posibleng magpataas pa lalo ng mga covid cases. Wala pa nga tayong bakuna at matatagalan pa para makaroon ng herd immunity para masabing ligtas na at maibabalik na sa normal ang pamumuhay. Sana konting tiis pa kung maaari at kung hindi baka masayang lang lahat ng sakripisyo natin.
Yan lang ang aking sariling paniwala. Page ko ito kaya pwede kong sabihin gusto ko. Kung iba pananaw niyo, post niyo sa wall mo.
God bless the Philippines!
No comments:
Post a Comment