Friday, January 08, 2021

Poong Nazareno panalangin

 Sa lahat po ng  aking mga kamag anak, kababayan at deboto ng itim na nazareno ( rebulto ):

Ito po ang panalangin ko sa inyo:

Makapangyarihan, Mapagmahal, Maunawain naming Dios na may gawa at may ari ng langit at lupa at ang lahat napapaloob dito..

Sa pangalan mo HesuKristo ng Nazareno- ang tanging tunay at na nag iisang Dios at Tagapamagitan...maawa ..kahabagan po ang aking mga kamag anak, kababayan sa buong mundo...sa iyong biyaya Panginoon bigyan mo po sila ng lubos ng pang unawa sa pagkakakilala sa iyo..alisin o hawiin mo po ang lahat ng balakid na gawa ng kaaway  sa kanilang mga puso/ isip / tainga para nang sa ganun lubos nilang maunawaan, pagtiwalaan, at tanggapin sa kanilang puso/isip/buhay/kaluluwa na ikaw lamang  po HesuKristo- na taga Nazareno( hindi ang rebultong itim na- nazareno) na nagkatawang tao, pinako sa krus, nabuhos ang iyong banal na dugo, namatay, pagkalipas ng tatlong araw ay nabuhay na maguli..at sinuman sasampalataya ( believe) ng buong puso-isip at magsisi ( repent- change mind)ng kasalanan ..ipapahayag na ikaw ay tunay na Dios...ang sabi mo  ay maliligtas... ( mapapabilang sa akaharian ng Dios ..magiging tunay ns mamayan o anak mo) Rom 10:9..patatawarin, makakapasok sa kaharian ng Dios...

Makakatanggap ng buhay na walang hanggan...babaguhin at pagpapalain ang kanilang buhay 

sa lahat ng aspeto...

Ito ang mga pangako at Salita mo na kailanman di nagbabago.

Mangyari nawa ang lahat ng kalooban mo  at Iyong Kaharian sa kanilang buhay, sa bansang ito..katulad ng nangyayari sa kalangitan.

Maraming salamat po sa walang hanggang pagmamahal  mo sa  mga aming mga tao at bayang ito/ sa buong sangkatauhan.

Tulungan mo po ang  mga Pilipino at bayang ito..na ikaw lamang  HesuKristo ang maging Dios, Panginoon, Tagapagligtas...at ikaw lamang ang sasambahin at paglilingkuran.

In Jesus name,

Amen🙏🙏🙏☝️☝️☝️

No comments: