Ang konti-konti ng Christians sa mundo.
Pakonti pa nang pakonti.
BAKET?
Kasi sa sobrang init sa faith ng mga Christians, NAKAKAPASO NA!
Walang gustong sumama.
Nakakailang.
Nakakasakal.
Gusto ituwid lahat ang bawat liko---all the time.
(Kahit na napakaliit, napakakonti at napakababaw
naman talaga ng alam sa Bible, nagdudung-dunungan)
Walang pinalalamapas; kailangan i-rebuke lahat.
Lahat hinuhusgahan, sinusuri, binabatikos.
Kahit ang tagal mo nang tama,
minsan ka lang magkamali, lagot ka.
Ipapahiya ka.
Susugurin ka.
Ibu-bulletin board at ipupulpito ka.
Pag nagkasala ka, pagpipiestahan ka nang walang awa.
Si "sister/manang/ate" ang biglang number one chismosa
at judge mo.
Mabuti pa ang mga outlaws,
they carry and care for their wounded.
Many Christians kill their wounded;
Nadapa ka na nga, nagkamali, nahulog---
tatapakan ka pa, huhusgahan, lilitisin, ititiwalag
kahit buong-buhay ka nang naglingkod sa church.
Kandarapa ang Christians na baguhin ang mundo.
Bakit kaya di muna magsimula sa sarili?
Pilit pinasusunod kay Jesus ang madla.
Bakit kaya di muna ang church people
ang sumubok sumunod talaga kay Jesus?
Pag ginawa nila ito, pag sumunod talaga kay Jesus,
di na nila kailangang magmisyon, mag-evangelistic rally,
mag bs, magbroadcast, mamigay ng mga libreng babasahin
kasi kusa nang sasama sa kanila ang mga tao
dahil sino ba naman ang tatangging sumunod sa yo
kung ikaw ay sumusunod kay Jesus na mabait,
maibigin, mapagpatawad, mabuti at madaling kausap?
Ayaw sumama ng madla,
ayaw sumunod,
kasi hindi naman sila kumbinsido
sa nakikita at nababalitaan nila.
- Ed Lapiz
No comments:
Post a Comment