Yun 7 stocks na nasa top loser kahapon, nasa top gainer nman ngayon. Yun $BSC na flooring kahapon, lumipad ng 50% ceiling price today. Partida bagsak din ang market today, down ng 113 points.
Pagkatapos ng profit taking ng mga whale at sharks, after the massive sell off and retailers panic, nagsimula na nman silang bumili.
Kahapon may nagmessage sakin at sabi nya; Mam nun nagtoppish si $BSC naisip ko na siguro magbebenta na yun mga mababa ang average since sobrang laki na ng tinaas, magppullback na sya. Tinanong nya ako kung tama ba ang gut feel nya.
Sabi ko, instinct or gut feel, para sakin common sense ang tawag dyan.
Pero dahil dalang dala tayo ng laro, yun feelings at ecstasy ng mga high flyer stocks and ceiling play, nattake for granted natin kung ano ang obvious. Yun intellectual reasoning natin ay napapalitan ng emotional high and euphoria.
Kung magreason out ka na nahype ka ni ganito, sinunod mo yun stock reco ni ganitong trader tapos naipit ka. Well, stop whining and crying. Start waking up and learning, magbasa ka ng Traders Empire Book at manood ng mga YouTube videos ko.
Because walang lugar ang pointing finger and blaming others sa trade mo. Ano yan palagi ka na lng Newbie, yes kung bago ka it’s understandable but after experiencing that, next thing you should do are unfollow them and wake up. Hindi rin nila alam mga ginagawa nila.
The fact is, hindi nman bago ito sa market. This is a cycle na paulit ulit lng, mga lessons learned na palagi natin nakikita or nararanasan natin mismo first hand.
And this is stock trading, this is stock market. Bawal talaga mahihinang nilalang dito, paiiyakin ka lng lagi. Stock trading is like a roller coaster ride, up and down emotions, high and low feelings.
Kaya kailangan responsible trader ka at kaya mong tayuan ang mga decision making na gagawin mo sa sarili mong pera. Kung di ka nagaral ano pala ieexecute mo? As the old saying says, Aral muna bago Invest.
At para sa matatagal ng trader;
What doesn’t kill us makes us stronger.
Read my blog for more learnings about stock trading: I Want to be a Trader
https://tradersempireph.com/newbies/30-2/
No comments:
Post a Comment