Remember, in stocks and in life, it's always easy to buy than to sell.
Minsan maganda entry mo pero napasobra sa greedy at nalugi sa huli. Minsan pag ka bili mo palang nalugi na agad at hindi mo mabenta kasi ipit ka na.
Pero pag na practice mo ang art of selling in both life and stocks. Mas magiging okay ang cash flow mo.
Para sa mga newbies, for me, mas okay na mag focus kayo sa selling point niyo. Either cutloss, take profit or trailing stop. Mas mapapadali ang trading journey niyo.
Don't hold a losing stocks. There's no such thing as a cheap or expensive stocks. There's only losing and winning stocks. Sometimes yung akala mong mababa na may ibababa pa. at yung akala mong mataas na, may itataas pa.
Practice buy high then sell higher on uptrending stocks or on pullback. Pwede din namang buy on sideways. Position yourself on it and wait for it. But never buy on down trending stocks then mag aaverage down ka pa. Opportunity loss yun bes. tapos after 10 yrs ang profit mo lang 50%?
Hindi yun ang art of making money. pinrotektahan mo lang pera mo vs inflation pero hindi yun magandang result para sa may maliliit na pera na gustong yumaman. Okay ang 50% for 10 yrs kung 100 million ang pera mo or okay din bumili ng blue chips na down trending kung 100 million pataas pera mo.
pero kung ang pera mo 100k lang? feeling mo okay ba bumili sa down trending stocks? why not buy on side ways or uptrending kung investing talaga gusto mo. Then add more shares while the stocks is moving up. Mas safe yun kesa sa stocks na going down kasi di mo alam kung gaano kalalim ang isang stocks.
Minsan kasi misleading ang turo ng ibang financial educator about stock market eh. yung buy lang ng buy regardless of the price basta "blue chips". Wala namang first hand experience in trading pero nag tuturo about stock market? come on meyn sheet. Practice what you preach.
Kadalasan kasi sa tao ang tingin sa investing parang saving. Yung iiwan mo lang pero mo mangingitlog na. hindi ganon yun. kailangan mo din mag aral muna mag pursigi bago ka maging batugan.
hindi agad agad ang art of making money without doing anything. Meron ding sacrifice jan. lots of learnings and discipline. hindi yung katamaran pinapairal sa investing.
#realtalk
No comments:
Post a Comment