Tuesday, January 19, 2021

Hay Naku Gabay.

 REQUEST LANG PO...


GsKers pag may nagtatanong ng clinic address ko huwag niyo po sabihin na nasa 127 Malakas Street, Diliman, Quezon City kasi hindi man lang sila mag-effort na i-search sa wall ko. Malamang magtatanong din yan saan malapit yan. Baka madulas kayo at mabanggit na nasa likod lang ng Philippine Heart Center ha. Please lang wag niyo ituro. Pag tinanong ano naman specialty ko, sabihin niyo Kare-Kare. Yung iba tatanungin din paano magpa-appointment. Hay naku po, hindi nila naisip na syempre tatawag sa landline # na 8911-1314 o 8400-4205. Tapos hihirit yan na “wala bang celphone #?” Wag niyong ibigay yung globe# ng clinic na 0917-5777675. At sure ako ito susunod... “wala bang Smart o Sun o TM o Talk n Text?” 


Hay... Kaya please lang wag niyo sabihin. Hindi man lang sila mag-effort. Nakakainis! Sobrang tamad! Hayaan niyo sila maghanap. Pahirapan natin. At pag nagtanong pa yan kung magkano consultation fee. Sabihin niyo depende sa ITR (income tax return) niyo. 


Maraming salamat po.

No comments: