Saturday, January 09, 2021

Pagtumanda ang tao.

 Pag tumanda ang isang tao parang lumang kotse din lang. Malabong mata - mahinang headlights; madaling madehydrate - mabilis mag-overheat ang radiator; nakakalbo - ganun di yung gulong; tumutunong mga kasukasuan - mangit-ngit na mga shock absorber, kulang sa grasa, may mga pekas ang balat - kupas na ang pintura, mabagal maglakad - ganun din ang tsekot mahina humatak. Kaso tandaan niyo po na pwedeng ayusin o palitan ang mga parte ng kotse at pwede rin itapon at palitan ng bago. Eh kayo po? Di kayo mapapalitan. At lalong hindi maaaring itapon kasi lab namin kayo. Kaya umayos kayo! Gawin lahat sa ikabubuti ng kalusugan niyo. 😘❤️

No comments: