Wednesday, January 27, 2021

Stock Market :sugal o hindi

 "STOCK MARKET; Gambling or Not??"

Sa salitang "Sugal", like sa card game, kung ano yun binigay sayo na card, wala kang choice but to deal with it. Hindi ka pwede pumili ng braha mo, wala kang control dun. Bahala na kung matatalo o kung mananalo= SUGAL...

Ang perang tinaya mo sa sugal, kapag natalo ka sunog talaga yan taya mo, walang tira, ibibigay mo lahat.

Sa Trading, may choice ka kung papasukin mo ang isang stock or hindi.

1)Pwede ka pumili ng stock na bibilhin mo. Hindi yun kahit ano na lng ang ibigay sayo, you have a "Choice" according to what you know, or according to your knowledge. Kaya dapat nagiinvest ka sa knowledge mo. 

2)At kapag nakaentry ka na sa stock na yun, nasa "Control" mo pa din ang Exit, kung ano ang gagawin mo pag natalo ka, ano ang gagawin mo kapag nanalo ka. Planado ang trade, pag nanalo o matalo ka man. Its called, "Trading with a Plan". 

Sa casino or sugal kapag nanalo na kalaro mo, tapos na ang laro. Wala ka ng susunod na strategy for that play, kasi may nanalo na. 

Hindi porke natalo ka sa trading at feel mo inagaw sayo yun pera mo ay sugal na yun. Kasi may mga choices pa yan; 

1)Pwede kang magpaipit until makarecover ang pera mo (walang umagaw sayo nun ng pera diba, time consuming lng for waiting.) Yun iba kapag nakita na nagrerecover ang stock, nagaaverage down sila para mahabol yun stock nila sa current price. Hindi din po inaaverage down kung downtrend ang stock, that's the difference ng marunong at hindi.

2)May mga stock na nagAppreciate din in times, may mga dividend stocks at hahatian ka sa earning ng company nila, mga company na lumalago. Hindi porke down ang stocks ngayon ay benta agad. Kailangan alam mo kung kailan ka kakabig ng panalo at aamin na talo na.

3)Dahil din sa modern technology, sa dumadami na involve sa stock trading. Work from home, easy access to computer and internet. Dumadami din ang gustong kumita sa strategy na "Market Timing", which is really High Risk. At akala ng iba ay ganun kabilis kumita dito ng pera, kaya pinapasok nila ito agad at nakapit sa desperate moves kahit hindi nila ito inaral. But stock trading is not a "Get rich quick"... 

Dito pumapasok ang mga salitang sugal, pumasok ka na hindi alam kung paano umiikot ang market. Pumasok ka, natalo, then give up agad. Di mo alam na yun ang stepping stone para ka matuto. 

Kaya bago mo pasukin ang trading, kailangan mulat ka na dapat marunong ka muna at inaral mo sya. May mga time na matatalo ka at time na mananalo ka. Kasali yan sa palagi sa equation. Yan ang tinatawag na "Calculated Risk".

Sa sugal kapag natalo ka, lahat ng taya mo sunog. Sa stock trading may control ka sa talo at panalo. Hindi mo ipapaubos yun pera mo sa stock na patalo na at hindi umayon ang bias sayo. 

Totoo na marami at mahaba ang usapin kung sugal o hindi ang stock. Pero para sakin na full-time trader, ang kailangan ko ay maging well knowledgeable sa ginagawa ko. Depende din siguro kung ano ang definiton natin sa salitang Sugal.

But as for me, I Live to trade another day". 

https://www.pipsmatter.com/single-post/live-to-trade-another-day


.....................


Guillen Rocher

No comments: