Tuesday, January 12, 2021

Gallstones

 Alamin ang Sintomas ng Bato sa Apdo o Gallstone

Payo ni Doc Willie Ong at Doktor Doktor Lads


Ang gallstones o bato sa apdo ay mga namuong deposits ng digestive fluid sa gall bladder. Ang gall bladder ay maliit na organ sa kanang bahagi ng tiyan sa ilalim ng atay. Ito ang nagsisilbing imbakan ng bile na kailangan para sa pagtunaw ng taba sa ating bituka.


Iba iba ang laki ng gall stones. Maaaring kasinlaki lang iton ng butil ng buhangin at maaari itong maging kasinlaki ng isang golf ball. Ang mga taong may gallstones at nakakaranas ng mga sintomas ay kadalasang kinakailangang sumailalim sa operasyon upang tanggaling ang apdo. Ngunit kung wala namang senyales at sintomas na nararamdaman ay hindi ito kailangang operahan.


Sintomas ng Gall Stones

Minsan ay walang sintomas na nararamdaman ang may mga gallstones. Ngunit kapag bumara ang gallstones sa mga ducts sa apdo ay maaari itong magdulot ng sintomas tulad ng:

1. Biglaan at matinding sakit sa itaas na kanang bahagi ng tiyan,

2. Matinding sakit sa gitnang bahagi ng tiyan sa ilalim ng breastbone

3. Pananakit ng likod at kanang balikat

4. Ang sakit na ito ay maaaring maramdaman sa loob ng ilang minuto hanggang ilang oras.


Kapag naramadaman ang mga sintomas na ito, kumonsulta sa inyong doktor.

No comments: