Sunday, January 03, 2021

Indigestion

 Madaming inaatake ng indigestion ngayon. Medyo napadami ng kain. Ayan at may dighay ng dighay, kinakabag at panay utot. Iba pa yung humihilab ang tyan at nangangasim. Ayos lang yan, nag enjoy naman kayo. Pero tama na kalalafangski. Start na mag-diet at detox. Panay inum lang ng tubig at kumain muna ng prutas at gulay. Konting kembot kembot at galaw galaw naman dyan para maski paano nalusaw mga taba na kinain niyo at pati na rin yang taba na naiwan sa bilbil niyo. Paalala lang po yan. Kayo pa rin ang boss sa sarili niyong katawan. Life is a choice nga di ba? Happy 2021. ❤️


PS

Later at 7pm (January 1, 2021) abangan po ang first health topic ko sa youtube, “Kabagin, Ututin, Dighayin atbp”. 

Attendance check tayo mamaya.

No comments: