SAMPUNG PAYO SA MGA GUSTONG TUMANDA NA MALAKAS ANG KATAWAN:
1. Huwag agad bibitawan ang iyong trabaho. Maging abala hanggang maari. Ito ang magpapanatili sa iyong kabataan na labis mong ikaliligaya.
2. Hanggang maiiwasan huwag makitira sa mga anak na may pamilya na. Kumuha ng isang lugar na matitirhan. Panatilihin ang iyong kalagayan upang makaiwas sa iyong anak at manugang. Ang makitira sa kanila ay magiging sunod sunuran ka lamang, hindi makapag decision sa sarili at mawawalan ng karapatan na labis mong ikalulungkot.
3. Hawakan ng mahigpit ang iyong baul. Kung magbibigay ng pera sa anak, yung kaya mo lamang at laging magtira ng malaking bahagi para sa sarili mo. Ang libro ng bangko na may laman ay magandang kaibigan sa iyong katandaan.
4. Huwag masyadong maniwala sa iyong anak na nagsasabing kayo ay aalagaan. Madalas ang mga nagbabanggit niyan ay siyang mga hindi gagawa. Ang mabuting anak ay hindi nagbabanggit ng anuman at ang masamang anak ay kailanman hindi tutupad ng pangakong binitiwan.
5. Upang manatili kang masaya, panatilihin ang pakikipagkaibigan at magdagdag pa hanggat maari. Humanap ng mga kaibigan na mas bata sayo. Ang matatanda ay malapit ng mamahinga at ikalulungkot mo ng labis ang paghahanap ng kapalit. Sumali sa mga magagandang asosasyon, grupo, kooperatiba o apostolada.
6. Maging maayos, laging maganda, malinis at mabango. Ang katandaan ay hindi dahilan upang ikaw ay maging madungis at nanlilimahid. Sila ay di dapat mandiri sayo kaya pangalagaan mo ang iyong sarili.
7. Maging abala sa pag-gawa ng kabutihan sa kapwa. Asikasuhin mo sila para asikasuhin ka din nila ayon sa "law of ripple effect". Huwag kalilimutang magdasal araw-araw.
8. Huwag panghimasukan ang buhay ng iyong anak. Hindi sapagkat anak mo sila ang lahat ng magugustohan mo ay magugustohan din nila. Alalahanin mong nagbabago ang panahon.
9. Huwag ipagyabang ang iyong katandaan. Hindi sapagakat ikaw ay lumilinya na sa 80 ay napakarunong mo na. Isaisip mo na di mo taglay ang lahat ng karunungan sa mundo. Huwag isipin na ang katandaan ay kalagayan upang maging inutil, ulyanin at wala ng silbi sa buhay. Makipag paligsahan sa lahat ng bagay para may dahilan ang bawat paggising mo sa umaga.
10. At sa wakas, huwag maging makulit. Huwag ikwento ang nakaraang panahon ng paulit-ulit. Huwag ikukumpara ang mga bagay-bagay na makakasakit ka sa pamilya. Huwag maging mapaghanap. Matuto kang magpuri ng magagandang nagawa ng kapamilya upang manatili ang magandang samahan. Hanggang kaya, magbasa ng magbasa ng dyario, libro at makinig sa mga talakayan sa radio. Ang "imaginative mind" ay malayo sa Alzheimer's disease.
ENJOY LIFE !!!!!!!!!!!
No comments:
Post a Comment