" MANGYAYARI ANG DAPAT MANGYARI "
Lucas 21: 11
Magkakaroon ng malalakas na lindol, taggutom, at mga salot sa ibat-ibang dako. May lilitaw na mga kakaibang mga bagay at mga kakila kakilabot na kababalaghan mula sa langit
Lucas 21:26
Ang mga tao ay hihimatayin sa takot dahil sa pag iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit
Mateo 24: 33-35
Gayundin naman kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na siyang dumating, halos naririto na. Tandaan ninyo magaganap ang lahat ng ito bago maubos ang salinlahing ito. Lilipas ang langit at ang lupa ngunit ang aking sinasabi ayTiyak na mananatili.
Ano ang dapat nating gawin upang tayo ay maligtas at makasama sa kaniyang kaharian?
Gawa 3:19
Kaya nga magsisi kayo at magbalik loob sa Diyos upang patawarin ang inyong mga kasalanan.
Juan 1:12
Ang sinumang tumatanggap at may pananalig sa Diyos ay binibigyan niyang maging Anak ng Diyos.
Efeso 5:31
Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot, galit, huwag na kayong mambubulyaw, manlalait, at mananakit sa damdamin ng kapwa.
Jeremias 33:3
Tumawag kayo saakin at ako ay sasagot ng mga dakilang bagay na hindi ninyo nalalaman .
Josue 1:8-9
Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay bulayan mo iyon araw at gabi upang sa ganoon ay matupad mo ang nakasaad doon. Sa ganoon ay magiging masagana ka at matagumpay ang iyong pamumuhay. Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag asa sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay kasama mo saan ka man naroroon.
Ecclesiastico 2:3
Manalig ka sa Panginoon at huwag kang lalayo sa kaniya upang ikaw ay parangalan sa katapusan ng iyong buhay
Ecclesiastico 2:6,11
Magtiwala ka at tutulungan ka niya mamuhay ka sa katuwiran at umasa sa kaniya.
Sapagkat maawain at mapagpatawad ang Panginoon, pinatawad niya tayo sa ating mga kasalanan at inililigtas sa kagipitan.
GODBLESS DAHIL BINASA MO ITO HANGGANG DULO. PAGPAPALAIN KA NG DIYOS IN JESUS NAME😇🙏🙏✨
No comments:
Post a Comment