Kuto sa Maselang Bahagi ng Katawan
Payo ni Doc Liza Ramoso- Ong
Ang kuto sa ari ay dumidikit sa balat o buhok at sumisipsip ng dugo sa maselang bahagi ng katawan. Nakukuha ito sa pagtatalik. Pwede din pumunta ang kuto sa buhok sa dibdib, kili-kili, balbas, kilay o pilikmata. Ang kuto sa ari ay iba sa kuto sa ulo.
Ang sintomas ay lalabas 5 araw pagkatapos mo mahawa. Kumuha ng magnifying glass at tingnan ang buhok sa maselang bahagi. Sobrang kati at makikita mo na may gumagapang sa buhok at may mga lisa o itlog ng kuto. Maaaring makati at may pasa sa pinagkagatan ng kuto.
Pag mayroong ganitong kuto ang teenagers o bata ay dapat alamin ng magulang kung bakit nagkaroon dahil baka may pang-aabuso na naganap.
Gamutan:
1. Ang gamot ay 1% permethrin lotion na mabibili sa botika.
2. Ilagay sa palad at ipahid sa maselang bahagi. Hayaan ng 10 minuto tapos banlawan.
3. Ulitin pagtapos ng 7 araw kung meron pa rin buhay na kuto.
4. Ang partner ay dapat gamutin din.
Pagpatay ng Kuto:
1. Para ubusin ang kuto, ibabad sa mainit na tubig ang mga damit, kumot o twalya ng 20 minuto. Hindi namamatay ang kuto sa sabon at tubig lamang.
2. Baka makatulong ang pag-ahit ng buhok sa maselang bahagi.
3. Pwede i-vacuum ang bahay at i-bleach ang banyo.
4. Sa mga hindi malalabahan na bagay, kulungin sa plastic ang gamit sa loob ng 2 linggo, kasi hindi mabubuhay ang kuto kapag walang dugo.
Ang pinakamabisang pag-iwas sa kuto sa ari ay ang pag-iwas sa pakikipagtalik sa iba’t-ibang partners.
Mabilis mahawa ng kuto kapag napadikit. Makapit ito sa buhok pero hindi tumatalon. Hindi ito makukuha sa inodoro o silya.
Ang doktor na pupuntahan ay doktor sa balat o dermatologist. Kapag sa ibang parte ng katawan tulad ng pilikmata ay pumunta sa ophthalmologists.
No comments:
Post a Comment