Thursday, May 27, 2021

Ang Mangga.

 Mangga : Para sa Kutis at Paningin

Payo ni Doc Willie Ong


1. Ang mangga ay isang sariwang prutas na may pinakamaraming vitamin A at beta-carotene na siyang nagbibigay ng dilaw na kulay nito. Bagay ang mangga para maiwasan ang panunuyo ng balat at maagang pagkulubot ng balat.

2. Maraming vitamin A, C, E ang mangga para sa malinaw na paningin. Makatutulong sa pag-iwas sa pagkawala ng paningin dahil sa night blindness, optic nerve atrophy at pagbara ng ugat sa mata. Meron din mga vitamin B at vitamin K.

3. Ang mangga din ay isa sa pinakamaraming taglay na vitamin E para sa balat.

4. Bagay sa puso dahil may potassium at sodium na posibleng tumutulong sa pagbaba ng presyon ng dugo. Ang iba pang mineral ay magnesium, copper at iron.

5. Maraming fiber ang mangga kaya maganda sa pagtitibi at mga sintomas ng irritable bowel syndrome. May pectin na makatutulong sa pagbaba ng kolesterol at para maiwasan ang prostate cancer at colon cancer.

6. Sabi ng American Diabetic Association ay nasa medium score na 56 sa glycemic index ang mangga. Isang pisngi ng mangga kada kain ay pwede naman.

No comments: