Friday, August 22, 2025

Diskarte

"HINDI AKO MATALINO PERO NAGING CAPTAIN AKO NG BARKO"

Ako po ay isang Kapitan ng barko. At sa bawat paglalayag na ginagawa ko ngayon, madalas kong balikan ang nakaraan—kung saan nagsimula ang lahat.

Noong bata pa ako, palagi akong nasa hulihan ng klase. Hindi dahil tamad ako, kundi dahil hirap talaga ako sa aralin. Tuwing recitation, nanlalamig ang katawan ko kapag tinatawag ng guro ang pangalan ko. At kapag hindi ako nakasagot, naririnig ko ang mga halakhak at bulungan ng mga kaklase ko:

"Ang bobo mo talaga.”

“Walang mararating ‘yan.”

Masakit. Kahit anong gawin ko, hindi ko matakpan ang lungkot ng aking mga magulang sa tuwing ipinapakita ko ang report card ko. Pero isang bagay ang hindi ko makalimutan:

“Anak, hindi sukatan ng talino sa papel ang tunay na tagumpay. Ang mahalaga, marunong kang magsikap at may mabuting puso.”

Dala ko ‘yon hanggang sa pagtanda.
Pagkatapos ng high school, halos wala na akong direksyon. Nagtrabaho ako bilang kargador, tagabuhat ng sako ng bigas, helper sa hardware, at kahit anong raket na puwede kong pasukan. 

Madalas pa rin akong kinukutya, pero natuto akong pahalagahan ang bawat pawis na tumutulo. Doon ko naintindihan na may ibang klase ng talino—hindi lang sa libro, kundi sa buhay mismo.

Isang araw, may nagrekomenda sa akin na subukan ang maritime course. Mahirap, halos wala akong pera, pero pinilit kong pumasok sa 

BSMT - Bachelor of Science in Marine Transportation

Hindi naging madali—walang baon, minsan gutom, minsan kulang sa tulog dahil working student din ako. Pero sa bawat hirap, mas lalo akong tumibay. Hindi ako pinaka-matalino sa klase, pero ako ang pinakamasipag. Dumating ang panahon, nakapagtapos ako ng BSMT—isang bagay na akala ko’y imposible.

Pumasok ako bilang Deck Cadet, dumaan sa pagiging OS, AB, at unti-unting umangat. Ilang taon ang binilang bago ako nagkaroon ng ranggo bilang 3M, 2M at CM. At ngayon, narito ako—isang ganap na Captain ng barko.

At oo, milyonaryo na rin ako sa kabutihang loob ng Diyos. Pero higit pa sa pera, ang pinakamalaking yaman ko ay ang aral na natutunan ko ay ang taimtim na pagdarasal:

“Panginoon, salamat dahil hindi Mo ako iniwan kahit maraming tumawa at nanghamak. Salamat dahil tinulungan Mo akong patunayan na hindi grado ang batayan ng tagumpay, kundi ang sipag, tiyaga, at tiwala sa Iyo. Amen."

Hindi lahat ng matalino sa klase ang magtatagumpay sa buhay, at hindi lahat ng mahina sa aralin ay mananatiling mahina habambuhay. Ang tunay na tagumpay ay nakasalalay sa sipag, tiyaga, at mabuting puso. Huwag mong hayaang ang tawag ng iba ang magtakda ng iyong kapalaran—Diyos lamang ang may huling salita.

Ngayon, bilang isang Kapitan, lagi kong ibinabalik ang kabutihan. Yung mga nanghamak sa akin noon, hindi ko sila tinanggihan nang lumapit sila. Tinulungan ko sila, dahil ang tunay na marino, ang tunay na tao, ay marunong magpatawad at magmahal.

#PambansangMarino

No comments: