Tuesday, August 26, 2025

Know your right paano mag-file ng claim.

Paano Mag-File ng Claim Kung Aksidente Dahil sa Pothole o Negligence ng Gobyerno

Marami pa ring hindi nakakaalam: liable ang gobyerno kapag ang aksidente ay dahil sa butas, lubak, kulang na signage, o hindi maayos na kalsada.
Kung may biktima, kahit fatal pa, may karapatan ang pamilya humingi ng hustisya at danyos.

Simple Steps:

1️⃣ Kunin ang ebidensya agad
📸 Picture ng pothole/lubak
📹 CCTV kung meron
👀 Testimony ng witnesses

2️⃣ Siguraduhin ang police report
👉 I-request na nakasulat sa report na “due to pothole / road defect” at hindi lang “lost control.”

3️⃣ Kunin ang medical records / death certificate
📝 Para ipakita ang direktang link ng injury sa aksidente.

4️⃣ Lumapit sa lawyer o PAO
⚖️ Libre ang PAO kung indigent. Pwede ring dumiretso sa IBP (Integrated Bar of the Philippines) for guidance.

5️⃣ File a claim laban sa tamang agency

DPWH kung national road

LGU (City/Municipal) kung local road

👉 Tandaan: Helmet at seatbelt laws protect you, pero hindi excuse para makalusot ang gobyerno kapag sila ang may kapabayaan.
Kung aksidente ang nangyari dahil sa butas o sira sa kalsada — hindi lang basta “aksidente” ‘yan, kundi liability ng gobyerno.

#KnowYourRights #RoadSafety #StateLiability

No comments: