Nung isang araw dumaan kami sa Shell, napansin namin yung nagkakarga ng gas.. pawis na pawis, pero tuloy lang sa trabaho, nakangiti pa rin.
Dami rin kasing nagpapakarga tapos parang mag isa lang s'ya.
Pagkatapos kong magbayad, balak ko sanang mag-abot ng dagdag na ₱20 pang tip...
Pero sabi ng asawa ko, “Ano ‘yan, bakit ₱20 lang? Bigyan mo na ng ₱100 man lang.”
Eh syempre, ako..masunuring asawa, nag abot ng ₱100.
"Kuya, pang ano lang...." as in di ko alam sasabihin ko kung para san, kasi di ko naman usual na ginagawa.
Nagulat siya, habang parang nanggigilid yung luha ba tawag dun?.... “Sir?🥹”
ako naman tango lang... pero grabe din ngiti nya after..
Hindi ko ‘to ikinukwento para mapuri na mabait. Kasi actually di ko naman intention yun.. gusto ng asawa ko yun..
Galing lang, paalala rin na minsan, may mga simpleng bagay tayong pwedeng gawin na pwedeng wala lang satin… pero pwedeng magpabago ng araw ng iba.
𝗠𝗮𝘆𝗯𝗲 𝘁𝗼𝗱𝗮𝘆, 𝘆𝗼𝘂’𝗿𝗲 𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗲𝘅𝘁 𝘁𝗼 𝘀𝗼𝗺𝗲𝗼𝗻𝗲 𝘄𝗵𝗼’𝘀 𝘁𝗿𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲𝗶𝗿 𝗯𝗲𝘀𝘁 𝗻𝗼𝘁 𝘁𝗼 𝗳𝗮𝗹𝗹 𝗮𝗽𝗮𝗿𝘁. 𝗦𝗼 𝘄𝗵𝗮𝘁𝗲𝘃𝗲𝗿 𝘆𝗼𝘂 𝗱𝗼, 𝗱𝗼 𝗶𝘁 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗸𝗶𝗻𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗶𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗵𝗲𝗮𝗿𝘁.
katabi mo lang pala sa pila, sa kalsada, o sa opisina, yung isang tao na pilit nilalabanan ang bigat ng mundo.
Ang totoo, hindi ko alam pinagdadaanan niya. Pero sana okay na okay sya.
Minsan, hindi naman natin kailangang maging mayaman para makatulong.
Minsan sapat na yung konting malasakit sa kapwa at maging mabuting tao talaga.
Plus mabait na asawa. 😊
(Photo: Not the actual day)
No comments:
Post a Comment