An open letter to Sec Vince Dizon
Ipagpaumanhin mo ang sulat ko. Lubhang nainip ako kanina sa LRT kaya naisipan kong mag-audit!
Wag kang mag-alala, hindi ito fraud audit, pwede ng tawagin 3Es, Economy, Efficiency at Effectiveness!
This is not meant to embarass, rather Im hoping this will help you convince Congress to increase your maintenance budget.
Heto po ang ilan sa aking observations!
1. Walang sapat sa stored value card, gustuhin mang makatipid sa oras, at makaiwas sa paulit-ulit na pila, wala namang mabili. Nag-kaubusan daw.
2. Sa limang ticket vending machines 3 ang out of order at 2 naman ang naka closed mode. Anyare?
3. Sa Senior Citizen, mahaba din ang pila kasi sinusulat isa-isa ang numero at pangalan, saka papipirmahan bago ibibigay ang card matapos bayaran. Baka pwedeng gumamit ng scanner?
Salamat naman sa magagalang na gwardya na agad nag-abot ng mauupuan.
4. Nasiraan ang tren, walang abisong pang malawakan. Matapos mong akyatin ang matarik na hagdan, pumila ng mahaba, saka ka bubulagain ng isang gwardyang halos paos na sa pag-announce, Wala pong tren! Buti na lang at hindi nagreklamo ang mga pasahero na hindi sila nabigyan ng due process. 😀
Walang masabing dahilan at hindi rin masabi kung hanggang kailan! Lakasan pa ang loob ng sino mang gustong magtanong sa takot na baka masigawan.
Alam kong masipag ka at maaasahan kaya ikaw ay aking sinulatan!
Mayroon pala akong suggestion, mag-palibreng sakay ka sa mga mag-aaral ng inyong budget.
Kung subukan nilang lumabas sa Kongreso, makita nila ang ilan sa dahilan kung bakit pinaghihirapan dapat bantayan ang pera ng bayan.
Gumagalang at nagpapasalamat,
Dati mong kasamahan sa paglilingkod bayan!
No comments:
Post a Comment