(Valve replacement, may butas sa puso, bypass, at iba pa)
Akala ng iba…
pagkatapos ng operation,
okay ka na.
Pero ang totoo,
hindi doon natatapos ang laban.
Minsan nga,
doon palang talaga nagsisimula ang pinaka mahirap na parte.
Kasi kahit successful ang operation mo…
kung hindi ka mag iingat pagkatapos,
pwede ka paring magkaroon ng complication.
Kaya kung ikaw ay naoperahan sa puso tulad ng:
🫀 Valve replacement / valve repair
🫀 May butas sa puso (ASD, VSD at iba pa)
🫀 Bypass surgery / CABG
🫀 Open heart surgery
🫀 Iba pang operation sa puso
Mahalagang sundin ang mga bawal.
MGA BAWAL PAGKATAPOS NG HEART SURGERY:
❌ Bawal magbuhat ng mabigat
Dahil bagong opera ang dibdib at katawan mo.
Pwedeng ma strain ang tahi, buto sa dibdib, at sugat.
❌ Bawal mapagod nang sobra
Hindi porket kaya mong tumayo o maglakad, ibig sabihin okay ka na agad.
Mahina pa ang puso at katawan mo.
❌ Bawal puyat
Kailangan ng katawan ng sapat na tulog para makabawi at gumaling.
❌ Bawal stress at sobrang iyak o galit
Ang sobrang emosyon, kaba, at pagod sa isip
nakakaapekto din sa puso.
❌ Bawal maalat, mamantika, at unhealthy na pagkain
Lalo na sa mga may bypass, bara, high blood, o dating may problema sa daloy ng dugo.
Ang maling pagkain pwedeng magpalala ulit ng kondisyon.
❌ Bawal manigarilyo at uminom ng alak
Isa ito sa pinaka malaking kalaban ng puso.
Pwedeng maka apekto sa paghilom, sa blood pressure, at sa tibok ng puso.
❌ Bawal kalimutan ang maintenance at gamot
Lalo na kung niresetahan ka ng:
💊 blood thinner
💊 gamot sa puso
💊 gamot sa high blood
💊 antibiotics o iba pang maintenance
Dahil ang pag skip ng gamot
pwedeng ikadelikado ng buhay.
❌ Bawal pabayaan ang sugat
Kapag may:
⚠️ pamumula
⚠️ pamamaga
⚠️ lagnat
⚠️ may lumalabas na nana o tubig
⚠️ sobrang sakit
ipatingin agad sa doctor.
Baka senyales na yan ng infection.
❌ Bawal maging kampante agad
Ito ang isa sa pinaka delikado.
Dahil kahit successful ang operation mo,
pwede parin magkaroon ng:
⚠️ infection
⚠️ pamamaga ng baga o hirap huminga
⚠️ pamumuo ng dugo
⚠️ mabilis o hindi normal na tibok ng puso
⚠️ pananakit ng dibdib
⚠️ pagtaas ng blood pressure
⚠️ pagbabalik ng komplikasyon kung pababayaan ang sarili
Ang totoo…
Hindi lang katawan ang sugatan pagkatapos ng heart surgery.
Pati isip.
Pati damdamin.
Pati buong pamilya mo nadadamay sa laban na yan.
Yung dibdib mong binuksan…
yung pusong inayos…
yung sakit na tiniis mo…
yung dasal ng pamilya mo habang nasa operating room ka…
Hindi mo pinagdaanan lahat ng yan para pabayaan mo ulit ang sarili mo.
Kaya kung nabigyan ka ng
second life…
alagaan mo na. 🥹🫀
Dahil hindi lahat ng may sakit sa puso
nabibigyan ng second chance.
Sa mga naka-heart surgery na…
Ano ang pinaka nahirapan kayong sundin o iwasan pagkatapos ng operation?
#HeartSurgery
#OpenHeartSurgery
#ValveReplacement
#BypassSurgery
#MayButasSaPuso
#HeartPatient
#SecondLife
#PusongLumalaban
#PhilippineHeartCenter


No comments:
Post a Comment