Wednesday, July 29, 2026
07302026 THU nakadumi kahapon.
Paano magbayad ng estate tax.
PAANO MAGBAYAD NG ESTATE TAX?
(GABAY SA MGA TAGAPAGMANA)
May naiwan bang lupa, bahay, o pera sa bangko ang namayapang magulang o kamag-anak?
Bago ito maibenta o mailipat sa pangalan ninyo, kailangan muna bayaran ang Estate Tax sa BIR.
Tandaan: May 1-Year Deadline ang BIR mula sa araw ng pagpanaw.
Kung lumampas, may patong na penalties at interes! Kaya ayusin ito agad sa 5 simpleng steps:
STEP 1: Ihanda ang mga Papel
Ipunin ang mga pangunahing dokumento:
* PSA Death Certificate ng namatay.
* TIN ng namatay at ng lahat ng tagapagmana.
* Extrajudicial Settlement (EJS) — kasunduan ng mga tagapagmana na pinanotaryo at nailathala sa dyaryo.
* Lupa/Bahay: Certified True Copy ng Titulo at Tax Declaration.
* Pera sa Bangko: Bank Certification.
STEP 2: Sagutan ang BIR Form 1801
* I-download ang eBIRForms software sa computer.
* Punan ang BIR Form 1801. Awtomatikong magko-compute ang system kung magkano ang tax.
STEP 3: Pumunta sa BIR (RDO)
* Ipasa ang mga papel sa BIR Revenue District Office (RDO) na sakop ang huling tirahan ng namatay.
* Kung sa ibang bansa siya nakatira, pumunta sa RDO 39 (South Quezon City).
STEP 4: Bayaran ang Tax
* Bayaran ang halagang itinakda ng BIR sa mga Authorized Agent Banks ng RDO.
* Pwede na rin magbayad online gamit ang GCash, Maya, o LandBank Link.Biz. Itabang mabuti ang resibo!
STEP 5: Kunin ang eCAR
* Pagkatapos ma-verify ang bayad, ibibigay ng BIR ang eCAR (Electronic Certificate Authorizing Registration).
* Ito ang pinaka-importanteng papel na hahanapin ng Registry of Deeds para mailipat ang bagong titulo sa pangalan niyo.
💡 TIP: May mga deductions o bawas sa tax ang BIR (gaya ng hanggang ₱5 milyong standard deduction at ₱10 milyon para sa Family Home).
Kaya madalas, mas mababa ang babayaran kaysa sa inaakala niyo!
Huwag patagalin ang pag-aayos para maiwasan ang sakit sa ulo at malalaking multa!
If this helped you understand real estate better, follow for more real estate education. 🏡✨
#EstateTax
#UsapangLupa
#BIR
#GabaySaPamilya
#UsapangLupa
#PropertyPH
#RealEstatePH
#LandTitlePH
#PaglipatNgTitulo







