Habang walang tigil ang pambabatikos ng mga WOKE activists at left-leaning tree-huggers sa planong Pax Silica sa Pilipinas, kesyo raw sisirain nito ang kalikasan, uubusin ang tubig, at may kung anu-anong "evil agenda", may isang tanong na tila iniiwasan nilang sagutin:
Kung hindi dito itatayo ang high-tech industry, saan pupunta ang investment? At sino ang makikinabang?
Ang sagot ay baka matagal nang nasa harap natin: Taiwan.
Sa totoo lang, ang Taiwan ay matagal nang may sarili nitong bersyon ng "Pax Silica", ang world-leading semiconductor industry nito. At hindi ito maliit na industriya. Ito ang isa sa pinakamahalagang dahilan kung bakit kritikal ang Taiwan sa global economy.
Pero narito ang nakakainteresante.
Habang sinasabing "water-intensive" ang planong semiconductor ecosystem sa Pilipinas, ang semiconductor industry ng Taiwan ay gumagamit na ng mas maraming tubig kaysa sa inaasahang paggamit ng proposed Pax Silica hub sa Pilipinas.
Ang TSMC, ang pinakamalaking contract chipmaker sa mundo, ay kumonsumo ng humigit-kumulang 101 billion liters ng tubig noong 2023. Sa ilang planta nito sa Southern Taiwan Science Park, umaabot pa sa halos 99,000 tonelada ng tubig kada araw ang konsumo.
Normal ito sa paggawa ng advanced semiconductor chips dahil kailangan ng napakaraming ultrapure water sa bawat yugto ng production.
At alam ba ninyo kung sino ang isa sa pinakamalaking beneficiaries ng industriyang iyon?
Mga Pilipino.
Ayon sa Philippine Migrant Workers Office sa Taipei, tinatayang 80,000 Pilipino na ang nagtatrabaho sa semiconductor industry ng Taiwan noong 2025. Inaasahan pa ngang madagdagan ito ng mahigit 20,000 pang Filipino workers.
Ibig sabihin, habang may ilan dito sa Pilipinas na nagsasabing "Ayaw namin ng semiconductor hub," libu-libong Pilipino naman ang araw-araw na umaalis ng bansa para doon mismo magtrabaho sa halos kaparehong industriya.
Hindi ba't parang may contradiction?
Kung talagang napakasama ng semiconductor industry dahil sa paggamit nito ng tubig, bakit ipinapadala natin ang ating mga kababayan para doon magtrabaho? Bakit ipinagmamalaki pa natin ang remittances na ipinapadala nila pabalik sa Pilipinas?
Ito ngayon ang dalawang pagpipilian ng bansa.
Unang option: Payagan ang Pax Silica, pero siguraduhing mahigpit ang environmental safeguards, water management, at may malinaw na benepisyo para sa mga Pilipino. Gumawa ng industriya dito para ang trabaho ay manatili rin dito.
Ikalawang option: Itaboy ang investment palabas ng Pilipinas. Pagkatapos, panoorin nating tanggapin ito ng ibang bansa, at kalaunan, ipadala na naman natin ang ating mga kababayan bilang OFWs para doon magtrabaho.
Sa madaling salita, kung hindi tayo ang magtatayo ng semiconductor ecosystem, baka tayo rin ang mag-e-export ng ating mga manggagawa sa bansang tatanggap nito.
Hindi ibig sabihin nito na hindi na dapat pag-usapan ang environmental impact. Dapat nga itong busisiin nang mabuti at dapat panagutin ang sinumang lalabag sa environmental standards.
Pero iba ang responsableng pagsusuri sa automatic na pagtutol.
Ang mas malaking tanong ngayon ay ito:
Gusto ba nating ang Pilipinas ang maging susunod na high-tech manufacturing hub ng Asya, o mas gusto nating manatiling exporter ng skilled Filipino workers habang ang ibang bansa ang kumikita sa industriyang tinanggihan natin?
PAX SILICA’S POWER DEMAND⚡
The proposed Pax Silica hub in New Clark City is being positioned as a major center for artificial intelligence, semiconductor production, data centers, and advanced manufacturing.
The scale of the project, however, comes with an equally large demand for electricity. The BCDA estimates that the industrial zone may require about 5,000 megawatts of generating capacity, a level that could not be supplied by the immediate development area alone.
For context, Luzon’s peak electricity demand for 2026 was projected at roughly 15,600 megawatts. Pax Silica’s estimated requirement would therefore be equivalent to around 32 percent, or nearly one-third, of the highest demand expected across the Luzon grid.
Electricity and water availability have already become key concerns for companies considering investments in the proposed economic zone. BCDA said prospective locators have been asking whether the necessary utilities can be secured before they commit to the project.
Among the options under consideration are dedicated power facilities in Clark or Subic, together with the transmission and utility infrastructure needed to deliver electricity to the site. Building these systems would require substantial investment beyond the development of the industrial hub itself.
The 5,000-megawatt estimate shows that Pax Silica’s success will depend not only on attracting technology companies, but also on securing enough power to support them without placing greater strain on the country’s existing energy system.
#PhilScholar


No comments:
Post a Comment