Hindi retirement plan ang mga anak.
Tungkulin natin silang palakihin at turuan.
Pero hindi natin sila pag-aari.
Mag-ipon. Mag-alaga ng kalusugan. Magdasal.
Para pag tanda natin, hindi tayo pabigat.
At hindi tayo magmamakaawa ng pag-aalaga.
Sa mga anak:
Alam namin may kanya-kanya kayong buhay. May pamilya. May problema.
Pero tandaan niyo...
Isang araw, kayo rin ang tatanda.
At yung trato niyo sa magulang niyo ngayon,
Yun din yung ituturo niyo sa mga anak niyo bukas.
Ang pag-aalaga, hindi utang.
Ang pag-aalaga, pagmamahal. ❤️
ANG KATOTOHANAN:
Hindi dami ng anak ang sukatan ng pag-aalaga.
Ang sukatan ay yung puso na tinuruan mo.
Yung utang na loob naitanim mo.
Yung respeto na naipakita mo.
Kasi pwedeng isa lang anak mo...
Pero siya yung magpupuyat para sayo.
At pwedeng lima anak mo...
Pero wala ni isa ang lilingon.
🙏
Kaya habang malakas pa tayo, magmahal tayo.
Habang buhay pa sila, yakapin natin.
Hindi para sa pagtanda.
Kundi kasi mahal natin sila ngayon.
#tserv

No comments:
Post a Comment