Monday, July 13, 2026

El nino

Asahan ang "STRONG" to "VERY STRONG" EL NIÑO to hit the Philippines - expect drought and More Intense rains.

Ito ang babala ng DOST-PAGASA.

Nasa post na ito ang DAPAT ASAHAN AT DAPAT MONG GAWIN para paghandaan ito.

Base sa kanilang latest report, "El Niño conditions are present in the tropical Pacific. Climate models suggest El Niño will likely INTENSIFY over the next few seasons and persist UNTIL EARLY NEXT YEAR. 

A strong El Niño is likely to emerge by the Aug-Sep-Oct season (69%), and a very strong El Niño is favored during the Oct-Nov-Dec and Nov-Dec-Jan seasons (>62%). (updated 24 June 2026)" 

Ayon naman sa US Climate Prediction Center "There is an 81% chance of a very strong El Niño during October-December that would RANK AMONG THE LARGEST EL NIÑO EVENTS IN THE HISTORICAL RECORD going back to 1950".

Ito na ang tinatawag ng ilang meteorologist na SUPER EL NIÑO.

Eh, ANO BA ANG EPEKTO sa atin nito at bakit dapat natin itong malaman at paghandaan?

Kapag may El Niño, ang Pacific Ocean ay mas mainit than normal. Dahil dito, nagbabago ang wind and atmospheric pressure patterns ng buong mundo.

Sa atin sa Pilipinas, ito ang magiging epekto ayon sa PAGASA:

1. Below normal rainfall sa mga panahong dapat ay umuulan na.

Dahil diyan, hindi narereplenish ang tubig sa mga Water Dam na kailangan for irrigation sa mga taniman at water supply sa mga bahay at industries. Kapag nagkaganun, may water crisis tayo.

Nagkakaroon din ng tinatawag na dry spell or natutuyo ang lupa na usually ay nadidiligan ng tubig ulan.

Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi nagbabawas ng tubig ang Manila Water sa Upper Wawa Dam.

2. Below to No Harvest. Dahil sa Below normal na ulan or dry spell, apektado ang mga pananim. 

Bumababa ang ani at minsan pa ay walang ma-ani.

Less supply ng mga agricultural products means.... Mas mahal ang presyo na nasa merkado.

3. Dahil mainit ang Pacific Ocean kung saan namumuo / nadedevelop ang mga bagyo na dumadaan ng Pilipinas. dahil sa El Niño , asahan natin na mas matitindi ang mga bagyo na tatama sa atin.

Halimbawa, kung walang El-Niño, dapat ay signal number 2 lang ang dadaan na bagyo, dahil sa El Niño, maaari itong maging Signal Number 4 or 5.

Ibig sabihin, mas mapaminsala ang mga bagyo. Pinsala na dulot ng Malakas na Hangin at Madaming Ulan = Baha, sira ang mga pananim.

Maaaring less ang bagyo than normal, pero mas mapinsala ang mga ito.

Ang masaklap pa ay kapag nag join forces ang Bagyo at Habagat. Or hindi nga tatama ang mata ng bagyo sa kalupaan ng Pilipinas, pero, hinahatak naman nito ang Habagat na magpapaulan din sa atin.

4. Mas mainit na temperature than normal.

Baka hindi na kasing lamig ang Ber Months natin at pagsapit ng March ay SOOOBRANG init na naman (Good luck sa electric Bills)

ANONG DAPAT NATING GAWIN?

1. Conserve Water. 

2. ipunin ang tubig ulan at gamitin sa pang linis, pang dilig, pang flush ng toilets. 
siguruhin lang na hindi pamamahayan ng itlog ng lamok ang mga naka imbak na rain water.

3. Ngayon palang ay mag prepare na tayo for Tag-init 2027 dahil inaasahang mas mainit ito than normal. 

Tumaas ba ang electricity ninyo ngayong 2026? Baka mahigitan pa yan sa 2027! If kakayanin, invest in inverter type appliances or Go Solar.

Schools must prepare their lesson plans well, dahil sa inaasahan na mga Bagyo or mataas na Heat Index, ibig sabihin, possible ang mga prolonged na #WalangPasok 

4. Garden Farming. 
Kung may space din naman sa inyong bahay, Grow vegetables and plants to reduce the need to buy these sa market. Try Okra, kamatis, talong, pechay, kangkong, at iba pa. Let's be Urban Farmers!

Maglagay ng mga halaman sa paligid ng bahay para mag absorb ng heat at mapalamig ang inyong paligid. Use rain water na pang dilig. 

5. The government should now look into using MORE Cold storage facilities to prolong the life of crops after itong ma-harvest.

#Weather #MarikinaWeather #ELNino2026

° ° ° ° ° ° ° °
#Marikina #MarikinaCity

Like and follow #InsideMarikina 
We are on FB | IG | TikTok | YouTube



No comments: