Isa sa iniidolo ko pagdating sa larangan ng pagnenegosyo. 🤔
Alam po namin na may tatlong dahilan kung bakit nagkakaroon ng system loss sa kuryenteng pumapasok sa bahay ng bawat Pilipino: 🤔
1. Ang una po ay ang system loss dahil sa natural na nawawala o humihinang kuryente, habang dumadaan po sa mga kable ito. 🤔
2. Ang pangalawa po ay ang system loss dahil sa mga luma na, at inefficient na kagamitan ninyo, at ang hindi tamang pagmemaintain nito. 🤔
3. At ang pangatlo po ay ang system loss dahil sa pagnanakaw at pandaraya sa kuryente ng mga kababayan nating barumbado. 🤔
At dahil malinaw na po ang tatlong uri ng system loss na ito; 🤔
Alam rin po namin na kung sino ang may kakayahan at kapangyarihang mapigilan o mabawasan ang mga ito; 🤔
Ay siyang dapat managot sa bawat pagkukulang nitong gawin ang kanyang trabaho. 🤔
1. Kaya pagdating po sa system loss dahil sa nawawalang kuryente habang lumalakbay ito, natural man o dahil luma na ang mga gamit ninyo; 🤔
Nararapat lang na paghahatian ito ng power plant, ng power transmitter, at ang power distributor na kayo mismo. 🤔
Kayo dapat ang mananagot nito, depende sa kuryenteng nawala habang nasa pangangalaga ninyo. 🤔
Dahil kayo po ang may kakayahan at kapangyarihang ayusin at iupgrade ang mga kagamitan ninyo; 🤔
At upang maincentivize po kayo na ayusin at pagandahin ang inyong serbisyo. 🤔
2. At pagdating naman po sa system loss dahil sa pagnanakaw o pandaraya ng mga barumbadong Pilipino; 🤔
Meralco rin po ang mananagot dito, dahil kayo po ang may kapangyarihang hulihin ang mga barumbadong ito; 🤔
At upang maincentivize po kayong gawin ng masinsinan ang bahaging ito ng inyong mandato. 🤔
Sa madaling salita po, walang system loss na dapat ipinapasa sa taumbayan, hindi lang dahil hindi naman namin ginamit ang kuryenteng ito; 🤔
Kundi wala po kaming kapangyarihan o kakayahan na pigilan o bawasan ang paglaganap nito. 🤔
Hindi ko po sinasabi na hindi dapat binabayaran ang system loss ninyo; 🤔
Dahil negosyo po kayo, at nararapat lang na kumikita rin kayo. 🤔
Ang sinasabi ko lang po, ay mali at hindi makatarungan, ang pagkakabalangkas ng batas at ng kontrata ninyo tungkol sa bagay na ito. 🤔
Dahil may kapangyarihan po kayo na i-charge nalang ang lahat ng system loss ninyo sa walang kamalay malay na mga consumer ninyo. 🤔
Kaya nawawalan na kayo ng incentive upang i-upgrade ang kagamitan ninyo, habulin ang mga magnanakaw ng kuryente ninyo; 🤔
At pagbutihin ang inyong serbisyo. 🤔
Dahil oo nga naman, nai-chacharge naman sa amin ang lahat ng ito, at wala naman kaming magagawa kundi lunukin ang karagdagang presyo. 🤔
Kaya ipaglaban po ninyo sa gobyerno na mabayaran ang system loss ninyo. 🤔
At malamang ay ipaglalaban rin ng gobyerno na lagyan ng cap o limit ito, para naman ganahan kayong pagbutihin ang inyong serbisyo. 🤔
Pero huwag niyo na po kaming idamay sa bayarang ito. 🤔
Dahil kami, ang taumbayan, ang dapat pinagsisilbihan ninyong pareho. 🤔
Magandang gabi po, mga Ka-G ko! 🫡
#attyg
#attygbehindthenews
#meralco
#systemloss
#photocredittotheowner

No comments:
Post a Comment